"Bwesit bwesit bwesit!!!" Inis na inis na saad ni Dell habang papasok ito sa kanyang clinic kakapasok lang niyang ospital ng makasalubong ang isa sa makulit niyang manliligaw na isa ring doctor . Ilang beses na ba niya itong binasted pero hindi parin tumitigil. Sa halip ay binubwesit siya nito.
Padabog niyang inilapag ang dalang bag sa kanyang upuan.
"Anyari sayo?" Kunot noo na tanong ni Jade na hindi niya namalayan na pumasok sa clinic niya.
"Wala may ipis lang na umaaligid !" Inis pa rin na saad niya.
"Hulaan ko kung sino . Ung ipis ba na yun ei matanda na ." Pang aasar ni Jade.
Kaya Inirapan niya ito.
Matanda naman na talaga si doc. Miguel halos kalahati ng edad niya ang edad na nito.
"Alam mo kasi Dell kung lumalabas ka lang at hindi puro trabaho condo ginagawa mo ei makakahanap ka na ng mapapangasawa mo. Isa pa di ka na pabata." Saad muli ni Jade.
" alam mo ang sagot ko dyan. Anak lang ang gusto ko pero jusko naman wag naman kay miguel hindi akong masamang tao pero hindi ko kaya mag alaga ng bata saka uugod ugod na na senior citizen. " sagot niya dito.
"Imagine sakali mag iisang taon palang ang anak nyo mag 70 years old na ang tatay." Dagdag din ni jade sabay tawa ng malakas.
Pati na rin siya ay natawa.
"Alam mo kasi Dell andyan naman si kuya Royce .gwapo ,matalino ma-"
" babaero! "Dagdag niya dito.
Aaminin naman niya naging crush niya si Royce pero tuwing nag kikita ata sila iba ibang babae ang hinaharap nito sa pamilya nila. Kaya naiinis siya dito pinangako niya sa sarili na hindi siya hahanap ng lalake na gaya nito."Tigil na nga ninyo kakapares saakin sa lalake na yan. Isa pa nakaraang araw lang may dinal nanaman na babae yun sa bahay nila kuya. Di na nahiya kaya ayukong naroon yun kasi nakikita ng pamangkin ko ang kalokohan ng tito nila." Saad ni Dell .
Nakakatandang kapatid ni Dell ang asawa ng kapatid ni Royce. Ang ate Dianne niya pero kung ikukumpara malayong malayo ang ugali ni dianne kay Royce.
"Nag seselos ka ba?" Tanong ni Jade.
Nag seselos nga ba sya?"no never!" Sagot niya kay Jade pero kahit siya hindi siya kumbinsido kung nag seselos ba siya o hindi.
"O sya nadaan lang ako dito para iabot sayo to. Invitation yan birthday ni Zia sa sabado pumunta ka ha." Saad nito at inabot nito ang invitation card sakanya.
Napaupo siya habang hawak hawak ang invitation ang gandang bata talaga ni Zia . How she wish sana magkaanak din siya kasing cute ng mga pamangkin niya .hindi siya iba sa mga madrigal close siya sa mga ito lalo na kay samantha ang sister in law ni jade. Kaya hindi maiwasan na maingit siya sa mga ito. She's been nbsb for the age of 28 paano ba naman hangang 20 yesrs old subsob siya sa pag aaral kung hindi naman andiyan ang kuya niyang asungot.
Napag kakamalan din siyang masungit pero prangaka lang naman siya. She go out for a date pero Mabilis siyang maturn off kaya hindi na nasusundan ang mga ito.in short pihikan siya.
Pero may kaisa isa siyang lalake na gustong gusto pero tagilid naman dahil hindi naman siya napapansin nito.
Napabuntong hininga si Dell. She's mybe famous as madrigals one of best doctors pero ang boring naman ng buhay niya.
Inayos niya ang sarili sabay kuha ng chart on leave ang secretary niya kaya wala siyang makausap.
Papunta na siya sa nurse station ng mapag sino ang naroon. No other than Royce madrigal.
Napasimangot siya halos lahat ng nurse na naroon ay halatang kiligvna kilig . Ang lalake naman ay printeng nakatayo lang roon at sumisipat sa relo nito.
Lumapit siya roon sa nurse station kaya nag sipag batian sakanya ang mga nurse hiningi niya chart ng mga pasyente. Patay malisya lang siya habang binabasa ang chart na naroon at hindi pinapansin ang lalake na alam niya na nakatitig saknya.
"Fuck" mahinang saad ni royce na hindi nakalagpas sa pandinig ni dell.kaya nag panting ang tenga niya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili nito ayaw niyang pansinin ito.
Naramdaman niya na lumapit ito sakanya at tumigil mismo sa harapan nito.
"Pwede ba Madrigal ayukong makipag asaran sayo maaga pa. " inis na saad niya.pero hindi inaalis sa chart ang tingin.
"Wala rin akong panahon makipag asaran sayo infact concern lang ako." Saad nito na lalo pang lumapit sakanya kaya naamoy niya ang pabango nito. Kaya napatigil siya sa pag babasa ng chart ng mga pasyente niya nadistract siya.
"Pwede ba madrigal. Kung mamg bunwes-
"Nakikita na ang panloob ayusin mo yang damit mo." Bulong nito sakanya kaya napatigil siya.
Nanlaki ang mata niya ang butones ng bloose niya nasaan.
Sa kasamaang palad ang doctors gown niya nasa clinic nawala sa isip niya na isuot ito.
"Manyak ka talaga kahit kelan!! "Inis niyang balik kay royce kahit hindi siya magkanda ugaga sa pag takip sa dibdib niya.
"Pwede ba Dellanie instead of accusing me of anything can you please fix yourself or i will do it for you." Nakakunot nuong saad ni Royce at binato dito ang coat na kanina ay suot suot nito.
In all faireness gentleman naman Ang gago. Nasa isip ni dell.
Tatalikod na sana siya ng mahagip naman ng mata niya ang papalapit na si miguel ang matandang makulit .kaya napaharap siya kay Royce agad.
Akmang tatalikod na ito sakanya ng pikit matang tinakbo niya ito at yumakap dito.
Napahinto ito at nagulat sa ginawa niya.
"Madrigal please ..alam ko pareho tayong mainit ang dugo sa isat isa pero please tulongan mo muna ako ngayon." Bulong niya dito kunot noo naman ito na mag sasalita dapat pero naputol iyon ng tuloyan nang makalapit sakanila si miguel.
"Babe please wag ka nang magalit." Kunway saad ni dell na pinarinig talaga kay miguel na alam na niyang nakalapit na sakanya.
"What the hell are you—-
"Makisakay ka nalang please pangako mamaya solo mo ang mga bata. Ilayo mo nalang ako dito .please tulongan mo akong makabalik sa clinic." Bulong niya dito ang sinaaabi niyang bata ay anak ng kuya dave at ate Dianne nila.un lang naman ang pinag aagawan nilang dalawa at pinag mumulan ng away tuwing nag kakasabay silang dumadalaw doon.
"Babe hindi naman ako galit nag tatampo lang ." Malambing naman na saad ni Royce. At naramdaman din niya na pumulupot ang mga braso nito sakanya.
Napasinghap si Dell ng mag salita ito .masarap palang pakingan yung malambing na Royce. Ang bango bango pa niya pakiramdam din niya safe na safe siya habang nakakulong siya sa bisig nito.
Pinilig niya ang ulo nasisiraan na talaga siguro siya.
"Halika na sa office mo dun tayo mag usap ok?" Kunway dagdag pa ni Royce sa malambing na tinig nito.habang inilalayo siya nito pero inaayos ang coat para hindi malantad ang dibdib niya gawa nang nasirang botones .
Nakita niya ang pag kunot noo ni miguel at palipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
...........
BINABASA MO ANG
I hate you, I love you (completed)
RomanceRoyce Madrigal- a famous multi millionaire man . He never believes in Love and Marriage. Nasanay siyang ang babae ang unang nag bibigay motibo sakanya .Until he meet Dellanie Alcantara her sister's Sister inlaw. Na walang ginawa kundi irapan siya...