Dell-6

5.7K 228 14
                                    

Kakatapos lang ng rounds ni dell pagod siyang literal ayaw man sana niyang pumasok pero kailangan.

Nasa canteen siya at kumakain ng lapitan siya ni Samatha .

"You look so tired anong oras matatapos ang shift mo.?"tanong nito sakanya kbago sumubo ng pagkain.

"4pm may 2hours pa ako " sagot niya dito .alas sais ay narito na siya kanina dalawang oras lang ata ang tulog niya dahil nang ihatid siya ni Royce ay hindi naman siya dalawin ng antok sa kakaisip sa binata.

"Susunduin ka ba ni Kuya Royce?" Biro nito sakanya.

"Tigilan mo ako samantha marie ha.wala ako sa mood makipag biruan sayo." Sita niya dito pero tinawanan lang siya .

"But seriously Dell ngayon lang ulit nag kaganyan ang kuya Royce sa babae." Seryosong saad ni samatha kaya napatingin siya dito.

Bukod kasi sa kapatid ito ng hipag niya wala naman siyang alam dito dahil sa States nag aral si Royce nag kita lang talaga sila nito noong kasal ng kuya at hipag niya .

"So ibig mong sabihin may nakarelasyon dati si royce na seryoso?" Tanong niya kay samatha.

"Meron they been together for almost 3years pero noong umuwi dito si kuya Royce single na siya ulit at simula noon du na siya nag seryoso ." Sagot ni Samatha bago sumubo ng kinakain.

"A-anong nangyari bat sila nag hiwalay ." Tanong niya muli kay samatha kaya napahinto ito sa kinakain at tinitigan siya.

"Akala ko ba hindi ka interesado kay kuya Royce." Pang aasar nanaman nito muli sakanya kaya napaismid siya dito na ikinatawa ni Samatha.

"I don't know the exact details. Ang pag kakaalam ko lang they just decided to separate ways .at nasaktan ng sobra si kuya Royce sa nangyari kaya ayun hindi na naniniwala sa love love love." Sagot nito .

Biglang na curious siya sa nakaraan ni Royce kung sino man ang babaeng iyon malaki ang naging parte nito sa buhay ni Royce noon.

Kahit nasa pribadong opisina na niya siya ay hindi parin mawala sa isip niya ang pinag usapan nila ni Samantha kanina.

Maya maya ay may kumatok kaya umayos siya ng upo. Napakunot noo siya ng mapag sino ang pumasok si Miguel parang kinilabutan siya ng ngumiti ito sakanya .

"Hi Dell naabala ba kita?" Tanong nito sakanya.

"Ha Hindi naman maupo ka." Ayaw naman niyang maging mbastos dito. Umupo naman ito at titig na titig kay Dell kaya lalo siyang naiilang.

"Pumunta lang ako dito para yayain ka sanang mag dinner." Nakangiting saad nito

Sasagot sana si Dell ng biglang bumukas ang pinto .nakahinga siya ng maluwag ng makita si Maxine At Samatha ang bumungad doon pero nagulat siya kung sino ang kasunod ng mg ito walang iba kundi si Royce.

Napaawang ang bibig niya ng makita ito . Unang beses niya itong nakitang ganoon ang ayos .nakashort ito ng itim v neck na pang itaas at naka rubber shoes .nasanay siya na nakaformal ito ng suot hindi kaya nakapantalon .

"Pssst isara mo ang bibig mo baka tumulo na ang laway mo." Bulong ni samantha na nakalapit na sakanya ng hindi niya namamalayan.

"Oh doc chavez you're here also." Bati ni Maxine at pinag lipat lipat ang tingin nito sakanila .nginitian niya ng alanganin si maxine malamang naiitindihan nito ang ibig niyang sabihin.

"Ah oo niyaya ko lang si Dell mag dinner mamaya ." Nakangiti naman sagot nito.

Napatingin siya sa gawi ni Royce na nakasandal ngayon sa may pintuan nakita niya ang pag dilim ng mukha nito.

I hate you, I love you (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon