Dell13

5.3K 174 17
                                    

Napailing siya sa naiisip sinaway niya ang sarili.kung ano ano ang napapsok sa utak niya. Mag mamadaling araw na rin at nakaramdam na siya ng antok.
Tumayo siya ng kama at pumunta sa walk in closet niya. Kumuha ng extrang comforter doon at nag latag sa sahig sa kwarto niya carpeted naman ang sahig niya doon kaya ok lang.

Napaismid siya .Bukas na bukas mag tutuos sila ng lalakeng to.  Kumuha siya ng isang unan at nahiga na rin sa nilatag niya.

Mula pa noong bata siya duwag na talaga siya   Ayaw na ayaw niya na matulog kung saan saan kung hindi sa kwarto niya. Noong unang linggo nga niya sa condo niya hindi siya makatulog dahil namamahay siya.

Ilang linggo din siya bago nakapag adjust. Kapag nasa ospital naman siya doon siya sa natutulog sa mismong office niya hindi siya nakakatulog sa vio room ng mga madrigal pag hindi siya komportable hindi talaga siya nakakatulog.

Tumagilid siya ng higa doon nakikita niyang payapang payapa na natutulog ang binata.

Parang pinag aaralan niya at kinakabisa ang mukha nito. Sukat doon dinalaw na siya ng antok kaya kusang pumikit  ang kanyang mga mata.

Sapo sapo ni Royce ang ulo habang nakahiga. Napabaling siya sa side table alas 4am na ng madaling araw.  Bumangon siya para pumuntang kusina para kumuha ng tubig.
At ininom iyon.


Biglang sumagi sa isip niya si Dell sumalakay ang kaba sa dibdib niya  wala roon sa sala ang babae naging aLerto siya agad siyag pumunta sa walk in closet nito wala rin ito roon.

Bumalik siya sa kwarto natigilan siya ng dumako ang tingin niya sa kabilang side ng kama. Naroon ito nakahiga at payapang natutulog.

Napahilamos siya sa mukha.biglang bumalik ang ala ala niya ng dumating siya doon sa condo ng dalaga.

Agad niya itong binuhat ng marahan para hindi ito magising. Ng maihiga niya ito ay agad na kinumutan hangang leeg.  Umupo siya sa gilis ng kama at oinag masdan lang ang dalaga.

"Kahit natutulog maganda parin ito." Piping saad ni Royce at parang may sariling kusa ang kamay niya na hinaplos ang pisngi ng dalaga.

Tama nga siguro ang kaibigan niya kailangan niyang bigyan ito ng panahon para magustuhan siya nito.

Napatiim bagang siyan . He had a problem with temper.maikli lang ang pasensya niya sa  lahat ng bagay. Nasanay siya na napapaikot niya ang lahat  sa kamay niya.

Binawi niya ang kamay niya  ng biglang gumalaw ang dalaga . Nag palit ito ng posisyon patagild sakanya.

"She's sleeping like a baby no she sleep lika a Goddess." Bulong niya sa sarili.

Maingat na lumapit siya dito at ginawaran ng halik sa noo. Hindi pa siya nakuntento at hinalikan niya ito ng marahan sa labi.

Ewan ba niya tuwing nalalapit siya dito at nag kakaroon siya ng pag kakataon gustong gusto niyang halikan ito.

"Sleep tight sweetheart dream of me." Bulonf niya dito at ginawaran muli ng halik sa labi. Bago tuloy tuloy na  nahiga sa hinigaan ng dalaga kanina.

Nagising si Dell na sapo sapo ang ulo napatingin siya sa orasan mag 10am na ng umaga. Wala siyang pasok ngayon kaya ayos lang na nalate siya ng gising. Napakunot noo siya kagabi lang ay nasa sahig siya nakahiga ngayon ay nasa kama na siya.

Nakatupi na rin ang comforter na hinigaan niya. Marahan siyang bumangon at pumasok sa loob ng banyo malamang ay wala na roon si Royce pumasok na ito sa  kompanya.

Napatigil siya sa pag pasok sa kusina ng makita ang nasa mesa may pag kain na doon na nakatakip lumapit siya doon may notes na nakalagay agad niyang binuklat iyon.

I hate you, I love you (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon