Dell-11

5.2K 165 2
                                    

Napatanga si Dell sa sinagot ni Royce.

"Look I'm definitely fine lalo mapapahamak tayo kung mag kasama tayong dalawa dito." inis na saad ni Dell dito.

"Sa tingin mo ba  mahuhuli natin ang nag tatangka sayo kung hindi natin naproprovoke na lumantad. "Saad ni Royce kaya tinignan niya ito ng masama.

"Don't look at me like that Dellanie. This is nit plan ask your brother. Isa pa kung ayaw mo talaga sa ganitong set up ang kuya mo ang kausapin mo." Saad nito at nag lakad papasok patungong kwarto niya.

"Hey ! Where are you going. ?Inis na tanonf niya dito at sinundan ito sa loob ng kwarto.

"Prente itong humiga sa kama niya." Kaya lalo siyang nainis  unang beses na may humigang lalake sa kama niya .

"Sinong may sabi sayo na pwede kang mahiga riya umalis ka na nga rito." Frustrated  na saad niya pero hindi siya pinansin nito sa halip ay tumagilid ito ng higa at niyakap ang isang unan niya.

Nag papadyak siyang lumabas ng kwarto.At agad dinail ang number ng kuya Dave niya pero sa halip pinagalitan pa siya nito at sinabihang isip bata.

"Pwede ba dellanie hindi panahon para mag away kayong dalawa.isa pa wala naman masama kung mag sama kayong dalawa hindi na kayo bata diyan din naman kayo papuntang dalawa. " saad ng kapatid niya

Mag sasalita pa sana siya pero pinatayan siya ng tawag ng kuya niya.

Nag pupuyos ang loob na napasapo siya sa ulo habang nakaupo sa sofa.

She can't believe it . Pinagkatiwala siya ng kuya niya kay Royce.   Samantalang noon pag nag papaalam siyang makipag date dito kung hindi siya nito sisinghalan isusumbong pa siya nito sa mga magulang niya at kung ano ano iaakusa sa kadate niya.

Kinalma niya sng sarili inisip niya ang positive side ng nang yayari. Tama naman ang kuya niya kailangan ngang mapalabas nila ang salarin sapamamagitan ng pag inis dito. At ang kuya Lucas niya ang bahala dito basta sumunod lang sila  ni Royce sa pinag uutos ng mga ito.


Huminga siyang nalalim napadako siya sa maletang dala dala ng lalake  napasimangot siya .hindi pa nga sna absorb  ang nang yari kanina sapagitan nila ni Royce heto nanaman ang panibago.

Namalayan nalang niya ang sarili na itinatabi ang gamit ng binaya sa walk in  closet niya.

Dalawa talaga ang kwarto ng unit niya pero ginawa niyang walk in closet ang isang silid  at lalagyan ng kung ano anong mga libro na pang medicina.

Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga oras na iyon .maya maya bigla nag sink in sa utak niya ang tanong kung nireject ba siya ng ganun  ganun lang ng binata.

Pumunta siyang kusina at nag simula mag luto ng hapunan. Hindi siya masyado kumakain sa condo niya kaya  walang laman ang reff niya ang naroon lang ay manok  inadobo nalang niya iyon dahil yun ang pinakamabilis na alam niya mag 8pm na ng gabi gusto na din niyang mag pahinga..

Marunong naman siyang mag luto noong teenager siya tinuruan siya ng mommy niya ng gawain sa bahay.

"What are you cooking?" Muntik pa siyang mapatalon sa gulat.nawala sa isip niya nanaroon ito at natutulog sa kwarto niya kanina .

"Adobo." Maikling sagot niya dito. Ayaw muna niyang nakipag bangayan dito mamaya pagkatapos nilang kumain kailangan niyang makausap ito .

Akala niya umalis na ito sa likuran niya pero paglingon niya ay naroin parin ito at titig na titig sakanya. Siya ang unang bumawi at tumalikod dito para ipag patuloy ang niluluto niya.

" I know you don't like me to be here ..but please for your own safety try to understand." Seryosong saad nito kaya napatigil siya sa pag hihiwa ng patatas.

Nakaramdam siya ng  lungkot sa boses nito.

"Yung mga maleta mo nasa walk in closet ayusin mo nalang." Saad niya dito nakita niya tumingin ito sa gawi niya.

"kakain na tayo mamaya maya. Saka tayo mag usap." Saad muli ni Dell.

Kumunot ang noo ni dell dahil hindi parin ito kumikilos para itong tuod na napako doon sa kinatatayuan.

Akmang lalapitan niya ito ng bigla siya nitong yakapin ng mhigpit. Sumalakay nanaman ang kakaibang damdamin kay Dell . Marahan siyang kumalas dito.

Nakita niya ang pag lungkot ng mukha nito.ayaw lang niyang muling umasa mamaya mag bago nanaman ang mood nito ireject nanaman siya.mabuti nang umiwas siya kesa masaktan nanaman siya sa huli.

"Sige na ng makakain na tayo." Pag taboy niya dito at bumalik sa ginagawa. Narinig niya ang pag hinga nito ng malalim bago pumasok sa walk in closet niya.

Gusto niya ang presensya ni Royce pero ayaw naman niya na ganun ganoon lang ano yun sasang ayunan lang niya ang lalake sa gusto nito. Ni hindi manlang nito siya ligawan.

Aminado naman siya na naapektuhan siya tuwing nasa malapit ito. Yung inis niya dati ay dahil siguro nakikita niya na nakikipag landian ito sa iba at hinsi nito magawang mag seryoso isa din iyon sa kinakatakotan ni Dell.

Paano kung pinag lalaruan lang siya nito? Paano kung isa lang din iyong joke para makaganti din ito sakanya .?

Napapikit siya dapat hindi iyon ang iniisip niya ang dapat niyang isipin ang kaligtasan niya at ng malalapit sakanya.

Inayos niya ang mesa at nilapag doon ang niluto. At nag hain ng kanin.

Akmang tatawagin niya ito ng maramdaman niya na may tila nag mamasid sakanya .

Nakasandal ito sa may corner papuntang sala tinitignan lng siya nito na tila ba aliw na aliw sa pinapanuod.

Na conscious  tuloy siya sa uri ng titig nito.

"H-halika na kumain." Yaya niya dito at nauna na siyang umupo. Sumunod naman ito sakanya.

Tahimik sila pareho habang kumakain ang naririnig lang ay ang kalansing ng kutsara at tinidor.

Hindi siya nakatiis. Kaya nag salita na siya.

"I Talk to kuya Dave earlier. Tama siya kailangan  natin makilala kung sino ang nasa likod nito. But please hindi dahil pumayag ako sa set up na ito ay pumapayag na rin ako sa lahat ng gusto mo." Mahinahong saad niya kaya napatigil ito sa pag subo.

"I want us to be civil . Hangang matapos tong set up na to at makabalik tayo sa kanya kanya nating buhay." Saad muli ni Dell.

"So you're rejecting me." Puno ng pang uuyam na saad ni Royce.

Gusto niyang sabihin na hindi pero hindi iyon ang lumabas sa bibig niya.

"Yes." Maikling saad ni Dell.

""Ok kung yan ang gusto mo.pero hangat hindi nahuhuki ni Lucas ang nasa likod ng pananakot sayo tuloy ang pag papangap natin bilang mag kasintahan." Malamig na saad nito at inilapag sa mesa ang kobyertos na hawak at tumayo na .

Nanatiling nakayuko si Dell hindi naman sana yun ang gusto niyang sabihin dito ang gusto sana niyang sabihin dito ay mag dahan dahan muna silang dalawa . Gusto lang naman niya maranasan ang ligawan  pero namali ata siya dahil sa halo halong emosyon na lumukob sakanya.

"But remember this Dellanie hindi ka pwedeng makipag date kahit kanino hangat nasa sitwasyon tayo na ganito.dont you dare kung ayaw mong makapatay ako ng tao." Madilim ang anyo na banta nito bago tuluyan siyang iwan doon sa kusina at lumabas ng unit niya.

.......

I hate you, I love you (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon