Ala una na nang madaling araw ng matapos ang operation ni Dell para siyang nanlalanta mapaupo sa bench na naroon .kakatapos lang niya mag linis at sanitize yun ang routine nilang mga doctor doon.
Napasandal siya naalala niya si Royce .napangiti siya sa ginawa nito kanina. Hindi niya inaasahan na gagawin iyon ng binata.
Maya maya ay tumunog ang cellphone niya kaya tinignan niya kung sino ang nagtext sakanya. Pero unknow number ang rumihistro sa screen. Kaya napakunot noo siya.
"Where are you?" Yun ang nakalagay sa text.
Napaisip siya kung isno ang nag text na iyon.nang nagkaroon na isya ng ideya ay mag rereply sana siya yun naman ang pag ring ng cellphone niya."Where are you? Tanong nang nasa kabilang linya.nabosesab iyon ni Dell si Royce nakaramdam siya ng mabilis na pag tibok sa puso niya.
"N-nasa washing room pa ." Nauutal na sagot ni Dell."Bilisan mo iniintay kita dito sa coridor 2nd floor. ." Sagot nito at pinantay ang tawag.
Abat inuutusan ba siya ng lalakeng yun hindi porket gumawa ito ng maganda ay akala mo kung sino na . Agad siyang nag bihis at sumakay sa elevator papuntang second floor.
Nakita niyang nakatayo ito sa coridor malapit sa operating room na tila ba malalim ang iniisip.
"Sobrang lalim ata ng iniisip mo.?" Tanong niya dito ng makalapit.
"Nasisid mo ba?" Kunway sagot ni Royce kaya napasimangot siya dito kahit kelan talaga walang ginawa ito kundi bwesitin siya.
"Bat ba nandito ka parin diba sabi ko umuwi ka na." Turan niya.
"Diba sabi ko iuuwi kita sa condo mo dahil yun ang utos ng kuya mo." Sagot nito na nakapamulasa pa .
"Kelan ka pa naging masunurin sa kuya ko?" Tanong niya dito.
"Nung naging tayo ." Sagot nito at tumitig sakanya kaya natigilan siya sa sinabi nito.
"Halika na siguro naman tapos na ang trabaho mo pwede na kita iuwi sa condo mo." Saad nito at naunang mag lakad.
Hindi man klaro kay dell ang sinabi nito ay sumunod ito sa lalake.
Ayaw man sana niyang umuwi dahil babalik din naman siya mamayang 7 para suriin at obserbahan ang pasyente pero ayaw naman niyang madismaya si Royce halos apat na oras din ang inintay nito .
Nag bilin lang siya sa nurse na nakaasign sa pasyente kung ano ang dapat gawin .habang nag sasalita siya ay ang ibang nurse ay akala mo ay kinikiliti na nakatitig sa may di kalayuan sakanila kaya napalinong siya doon , si Royce ay nakatayo di kalayuan sakanya nakasiklop ang mga kamay at nakatanaw sa malayo. Napasimangot siya kahit siya aminin ma niya o hindi sa sarili gwapo talaga ang lalake.
"Doc ang gwapo po talaga ni Sir Royce ano?"saad ng nurse na katabi niya kaya naputol ang pag iisip niya. at pinang dilatan niya ito.
"Swerte po ninyo sakanya doc." Dagdag pa nito na hindi manlang natakot sakanya. At ngiting ngiti pa. Kaya pakiramdam niya ay namula siya ng husto.
"Che! Lumubay kayo!" Saad niya at tinalikuran ang mga ito sabay hila kay Royce palabas ng building na nagulat pa sa ginawa niya.
"Sa susunod wag mo na akong antayin mapupuyat ka lang ." Saad niya ng makasakay siya sa sasakyan nito.
"Don't worry wala naman nang susunod." Sagor nito kaya napasimangot siya.
"As if i want to ride with your car." Sagot din niya sa binata.
"As if i want you also to ride with me in my car." Sagot muli nito kaya napikon na talaga siya sa binata .nanahimik nalang siya dahil ayaw na niya makipag bangayan dito.
BINABASA MO ANG
I hate you, I love you (completed)
RomanceRoyce Madrigal- a famous multi millionaire man . He never believes in Love and Marriage. Nasanay siyang ang babae ang unang nag bibigay motibo sakanya .Until he meet Dellanie Alcantara her sister's Sister inlaw. Na walang ginawa kundi irapan siya...