Chapter 4: Meeting The Pastor✔️

648 29 0
                                    

——————————————
CHAPTER 4

ALDI'S POV

Habang palabas na ako galing CR ay tumunog ang telepono ko na nasa side table. Hindi ko nakilala kasi number lang ang nakalagay.

"Hello Pare?" bungad na wika niya. Nakilala ko agad ang pamilyar niyang boses.

"Oy Pareng Gab? Napatawag ka?"

"Nakalimutan mo naba na may pupuntahan tayo ngayon. Nandito na ako sa labas ng bahay niyo" saad niya.

Oo nga pala may pupuntahan kami at may ipapakilala siya sa'kin.

"Ahh sige pupunta na ako diyan pare." In-end ko agad ang call.

Excited masyado eh!

Morning palang ay ginagawa ko na ang mga school works ko kagaya ng pag-record ng mga scores at iba pa. Para pagdating ni Gab ay wala na akong alalahanin.

4:27pm na pala kaya bumaba agad ako at lumabas ng bahay pagkatapos kong magbihis. Na-save ko nadin ang phone number ni Gab sa telepono ko. Nagpa-alam muna ako sa magulang ko na may pupuntahan ako.

Nang nakalabas na ako ay nadatnan ko si Gab na naka-sandal sa labas ng pinto ng kanyang kotse habang nagko-crossarm. Ang gwapo niyang tingnan sa tindig niya palang.

"Tara?"

Hindi ko namalayang nakatingin na pala ito sa'kin. Pumasok na agad kami sa kanyang sasakyan at nagsimula na siyang mag drive.

Tahimik lang ako habang kami ay nasa byahe. Sumusulyap ako sa kanya pero umiwas agad ako dahil baka mahuli niya ako.

"Ang tahimik mo ata Pareng Aldi?" Tiningnan niya ako sabay tingin sa dina-daanan dahil nagma-maneho siya.

"Ah wala to," saad ko. "Sa'n naba tayo Pare? Kanina pa tayo bumabyahe ah. Hindi mo naman siguro ako Ki-kidnapin," saad ko.

Tumawa siya ng malakas sa sinabi ko na parang mawalalan na ito ng hangin. Nainis ako sa kanya kaya matalim ko siyang tiningnan.

"Malapit na tayo. H'wag kang mag-alala Pare, hindi kita ipa-pahamak. Takot ko lang sayo at sa magulang mo no," ngiting sabi niya sakin.

Gab ano ba! Wag kase ngi-ngiti eh, baka matunaw ako.

Mahigit kalahating oras din kaming nagbyahe at nandito na kami sa tapat ng bahay na kulay puti.

Lumabas siya at binuksan ang garahe nila. Matapos niyang mabukasan ay pumasok siya muli sa sasakyan at inilagay ang kanyang sasakyan sa Garahe. Bumaba si Gab sa sasakyan at pinag-buksan niya ako ng pintuan. Parang babae na naman ako dahil pinag-buksan pa ako ng pintuan.

"Kaninong bahay to?" tanong ko sa kanya nang nakababa na kami.

"Basta, mamaya kana mag-tanong." Hinawakan niya ang aking kamay at pumasok na kami sa loob.

"Gab, ang kamay ko." Tumingin siya dito at napansin niya na nakahawak pala siya sa aking kamay.

"Ay sorry" Bumitaw ito sa pagkaka-hawak at ngumiti na parang nahihiya. Napakamot nalang siya ng ulo. Ganyan ba talaga siya kapag nahihiya? Ang gwapo tange!

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon