Chapter 5: Baguio Mission Trip 1✔️

583 30 0
                                    

_____________________________
CHAPTER 5

ALDI'S POV

Alas kwatro na ng hapon. Matapos kong mag-out sa Thinkers ay tumungo agad ako dito sa Parkins Mall. Nandito ako ngayon para bumili ng susuotin para sa local mission trip namin sa baguio bukas ng sabado. Inimbitahan kasi ako ni Tito Sam at ni Gab last saturday na sumama kaya 'di na ako tumanggi 'tsaka wala naman akong trabaho bukas.

Pumaroon ako sa mens wear at pumili ng isang gray na
Jacket. Malamig ang klima do'n kaya kailagan ko ng damit na matatakpan ang katawan ko.

Nang natapos konang bayaran ang mga binili ko ay tinungo ko naman ang grocery store sa ground floor ng Mall at pumunta sa beverage section. Kumuha ako ng sampung Jakult Drink, ito kasi pinaka-paborito kong milk beverage.

As what they say "Jakult everyday, everyday okay".

Matapos kong bumili ay lumabas agad ako ng Mall at sumakay na ng taxi papunta sa bahay nila Gab. 'Di sana ako papayag na do'n ako matulog kaso kailangan daw kasi naming umalis ng maaga at para less hassle at para hindi na nila ako susunduin ay do'n nalang daw ako matulog sa kanila. Si Tito ang nag suggest kaya um-oo nalang ako.

Psh! Parang napipilitan pa ako. 'Di ba pabor sa'kin?

~•~

Kakarating ko lang sa bahay nila Gab. Inayos ko na ang mga damit na dadalhin ko sa Baguio. Dalawang Underwear, dalawang t-shirt at jacket. Dalawang itim na pants at dalawang sapatos at isang tsinelas. Inilagay ko na ito sa backpack ko. Parang magka-camping lang kami gaya ng mga boyscout.

Naisipan kong i-text si Mama para ipamaalam na nandito na ako sa bahay nila Gab. Nagpaalam na agad ako sa kanila no'ng araw na in-imbita ako ni tito para dito sa Mission Trip.

Aldi Saavedra
Ma nandito na ako sa
bahay nila Gab

Tumunog ang telepono ko. Agad kong sinagot ang tawag ni Mama.

"H'wag kang papa-gutom Aldi at 'wag lalandi-landi. Mission trip 'yan ng simbahan at hindi oras sa mga ganyang bagay. Ingat ka nak" bungad agad sa'kin ni mama.

"Ma hindi naman ako magla-landi no 'tsaka pumunta ako dito para magsilbi sa panginoon. Para mabawasan din ang mga kasalanan ko nang sa gayon ay ma-consider ni lord na kahit ganito ako eh pa-papasukin niya parin ako sa langit"

"Edi wow! Tiyak na ico-consider 'yan ni lord." Natawa ako sa kanyang sinabi.

"Yan! Dapat ganyan ka lagi ma. Sinusuportahan mo'ko hindi 'yung palagi mo nalang akong binabara. Sige na ma bye"

Inilagay ko ang telepono ko sa side table ni Gab. Yes po! Opo, dito ako matutulog sa kama katabi siya. Tadhana nga naman, 'blessing in disguise ba ito? Biro lang lord.

Bumukas ang pinto. "Hali kana Aldi. Kakain na tayo"

Tumango ako at sabay naming tinungo ang kanilang dining area.

"Gabriel, ikaw na ang mag-guide kay Aldi sa mga gagawin niya do'n sa baguio ah," saad ni tito kay Gab habang kumakain kami.

"Yes dad," ngiting wika niya.

"Ikaw Aldi. Nagpaalam ka naba sa magulang mo na sasama ka sa Baguio?" Baling niya sa akin.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon