Chapter 14: Be Ready To Get Hurt✔️

525 25 1
                                    

——————————————
CHAPTER 14

ALDI'S POV

Kaninang madaling araw lang nakauwi sila mama galing Palawan. Mahigit isang linggo din sila do'n. Wednesday ngayon at ilang araw na din kaming hindi nagkita ni Gab simula no'ng araw ng pagbalik niya do'n sa kanilang bahay nang matapos ang bagyo.

"Ma, kumusta ang summer feels niyo kahit ber-month pa?"

"Nako. Ang ganda talaga ng palawan 'nak. Ang sarap lang na retiro na kami ng papa mo at ang ginagawa nalang namin ay maglakwatsa at mahalin ang isa't isa," ngiting saad ni mama na nakatingin kay papa.

Mapapa sana-all nalang talaga ako sa kanila.

"Oo nga 'nak. Ang sarap sa pakiramdam na 'yun nalang ang ginagawa namin. Alam naman namin na kaya mo na ang sarili mo. Lagi mong tandaan na nandito lang kami ni mama mo," wika ni papa. Alam ko naman 'yun 'tsaka di na ako bata no.

"Alam ko naman Pa na nand'yan lang kayo ni mama. Masaya ako na nakikita ko kayong ini-enjoy ang huling hininga niyo," biro ko.

Tinitigan ako ng masama ni papa, si mama naman ay nasanay na sa aking pagbibiro.

"Joke lang Pa. Kidding aside, masaya ako na masaya kayo"

"Oh s'ya tama na ang ka-dramahan Aldi," saad ni mama.

"Nga pala, 'nak malapit na ang kaarawan mo. May plano na kami ng mama mo na do'n nalang sa isang resort sa palawan ihe-held ang birthday mo pero suggestion lang naman namin 'yan," mungkahi nila.

"Do'n nalang Pa sa pinuntahan niyo"

"Sige. Imbitahin mo nalang ang mga kaibigan mo Aldi. Tamang-tama at walang pasok sa araw na 'yan dahil sabado," sabi ni mama.

"Imbitahin mo sila Cree, Jeylon. Si Ricardo at 'yung boyfriend niya. Isali mo nadin 'yung friend mo kuno sa simbahan. Ano ngang pangalan ng batang 'yun Marya?" takang tanong ni papa.

Teka ba't alam nila na may boyfriend si Ricardo? Hmm siguro pinangalandakan na naman niya ang kanyang jowa kila mama. Well close din naman kasi siya sa magulang ko.

"Si Gab...'yung crush niya," pang-aasar sa'kin ni mama.

Sa tingin mo mama na-aasar ako? Hindi no! Sa katunayan nga ay kinikilig pa ako. Ma kung alam mo lang talaga. Pero hindi muna ngayon. Hindi pa naman kami eh.

"Ma! 'di ko crush yun," pag-tanggi ko. Ngumiti ako sa aking isipan.

"Bakit ka ngingiti-ngiti dyan?" tiningnan ako ni mama na parang kriminal.

Tange! Akala ko sa aking isipan lang ako ngumiti.

"Wala ma," giit ko. "Ma, Pa akyat na ako kasi may gagawin pa akong importante, School Related Work"

Baka kasi kulitin nila ako at masabi ko pa ng wala sa oras.

"Sige dito muna kami sa sala ng papa mo, manonood muna kami ng palabas," wika ni mama.

"Ma, baka ano 'yang papanoorin niyo ahh yung ehem," pang-aasar ko.

"Shataap! Umakyat ka na nga," taboy nito sakin at inirapan ako.

Natawa ako kay mama dahil namumula na naman. Si papa naman ay tumawa lang sa biro ko.

Dapat lagi kang ganyan papa 'wag palaging seryoso baka tumanda ka lalo.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon