——————————————
CHAPTER 19ALDI'S POV
"Okay everyone listen!" pagtawag ko ng atensyon sa aking mga mag-aaral. "Let's recap the lessons that we already tackled. What's Algebra again?" tanong ko sa kanila. "Yes Ayesha?" turo ko sa isang estudyante ko. Tumayo ito.
"Sir Aldi, Algebra is a branch of mathematics that substitutes letters for numbers. Algebra is about finding the unknown or putting real-life variables into equations and then solving them" paliwanag niya. Pinalakpakan siya ng kanyang mga ka-klase. Ngumiti ako sa kanya. As I know, isa siya sa magagaling na estudyante sa buong batch nila.
"Serr! Alas kwatro na po. Uwian na!" saad ng estudyante kong walang alam kundi ang matulog sa klase. Tiningnan ko ang relo. Hindi ko pala namalayang sumobra ako ng tatlong minuto.
"Okay! So that's it for today's lesson. Let's call it a day. Goodbye Class!" pag-papaalam ko at lumabas na ako sa room.
Habang ako'y nakayukong naglalakad sa pasilyo suot ang backpack ko at dala-dala ang laptop palabas ng Thinkers Academy ay may humarang sa harapan ko. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para makita ko ang kanyang mukha.
Isang lalaking may mapulang labi at suot ang pinaka-matamis niyang ngiti. Ngumiti ako sa kadihilanang ang mahal ko ang humarang sa akin... Si Gab.
"Akin na yang laptop mo" kinuha niya ito. Pinatong niya ang kanyang isang kamay sa aking balikat. Nagsimula na kaming maglakad at lumabas sa eskwelahan.
Pinagbuksan niya muna ako ng pinto sa kanyang kotse bago siya tumungo sa driver's seat. Nagsimula na itong mag-drive.
"Sa'n tayo?" tanong ko. Lumingon siya sa'kin at bumalik agad ang kanyang paningin sa harapan habang nagma-maneho.
"Sa'n mo ba gusto?" balik niyang tanong.
"Gusto ko lang kumain habang kasama ka" simpleng wika ko.
Gusto ko lang makasama siya, yun lang."Tara mag-kainan tayo!" pilyong saad niya. Matalim ko siyang tiningnan.
"Gusto mo bang hindi na kita payagan pa na manligaw sa'kin Gab?" panakot ko sa kanya.
Well hindi naman ako na turn-off sa kanyang sinabi. Nahihiya lang slight. May tinatago palang kapilyohan si Gab.
"Ito namang prinsesa ko 'di na mabiro" bawi niya. "Do'n tayo sa Bagong Japanese Cuisine Restaurant. Gusto ko din kasing kumain kasama ka" ngumiti ito.
"Good. Nagugutom na din kasi ako" sabi ko.
"Gusto mo nabang ibigay ko sayo ang late birthday gift ko?" ngiting sabi niya.
"Oo nga pala! Nakalimutan ko. Ba't wala kang gift sa'kin no'ng nasa palawan tayo ah!" birong galit ko sa kanya. Hindi naman sa'kin big deal na wala siyang regalo, presenya niya lang ay solb na ako.
"Nakalimutan ko sa sobrang excited kong makasama ka sa palawan" saad niya sabay kamot sa ulo.
Dalawang linggo na ang lumipas sinula no'ng pumunta kami sa Palawan para ipagdiwang ang kaarawan ko at ang Anniversary nila mama. Si Jeylon ay bumalik na agad sa Australia dahil may nag-aantay na trabaho sa kanya. Si Cree naman ayun work-work din sa Gold Plate. Si Aliyah naman...ewan 'di na kami nakapag-paalam sa kanya eh.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
Ficção GeralMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...