——————————————
CHAPTER 43ALDI'S POV
Matapos naming kumain ay inabutan pa ako ni Jeylon ng Jakult na ikinagulat ko. Hindi pala niya nakalimutan na paborito ko ito.
"Salamat dito" kahit anong pilit ko sa sarili kong ngumiti ay 'di ko ito magawa.
Wala akong nadinig sa kanya. Inaasahan ko kasi na sabihin niyang 'walang anuman' o kaya 'welcome baby Aldi'. Ganyan kasi sinasabi niya noon sa'kin kahit na may pagka-seryoso itong personalidad.
Psh mukhang sasabay yata siya sa pagmo-moment ko ngayon.
"Ba't pala nandito ka sa bansa? 'Diba may trabaho ka doon?" takang tanong ko.
Ilang segundo din ang hinintay ko at nagsalita na ito.
"I'm here because of you. I'm here kasi nabalitaan kong hiwalay na kayo at niloko ka niya at nandito ako para ipaghiganti kita sa kanya. Babangasan ko ang kanyang mukha" may galit niyang tinig.
Nang madinig ko ang kanyang sinabi ay biglang akong kinabahan. Kahit na magkababata pa kami ni Jeylon ay parang hindi ko padin siya kilala. Hindi ko alam ang takbo ng isip niya.
"'Yan ang 'wag mong gagawin. Hindi naman intensiyon ng tao na ganito ang mangyari." agad kong sabi sa kanya.
"At talagang pinagtatanggol mo pa ang lalaking 'yun? Tss ikaw na nga 'tong na argabyado ikaw pa ang gumaganyan. Hindi kaba naawa sa sarili mo?" ramdam kong na-iinis siya sa akin.
Na-aawa.
"Hindi naman kasi alam ni Gabriel na may plano palang ganon si Aliyah. Hindi niya sinadyang mabuntis ito dahil wala naman siya sa sarili noon kasi may pinainom sa kanyang gamot." pagtatanggol ko kay Gabriel.
"Kahit na. Hindi parin mababago na nasaktan ka at...ayaw kong nasasaktan ka" iniwas niya ang kanyang paningin sa akin.
Napaisip ako sa kanyang sinabi. Tama naman ako eh hindi naman talaga sinadya 'yun ni Gab pero tama rin si Jeylon. Nasaktan parin ako kahit na hindi iyun sadya.
Wala na akong malabas na luha pa at sigurado akong hindi na ako maiiyak. Naubos na kanina pa. Sa totoo lang ay na-aawa ako sa sarili ko. Ganito nalang ba parati?
"What's your plan?" tanong nito.
Nakita ko sa pheriperal vision ko na nakatingin siya sa akin habang ako ay nakatutok lang sa kalawakan. Nagiging payapa kasi ang lahat at parang hinihilom ang sugat na nasa puso ko 'pag ako'y naka tingin lang dito.
"I don't know" tugon ko.
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pagkatapos ng gabing ito. Hindi ko alam kung ano ang unang gawin ko 'pag gising ako.
"Wala ka naman sigurong balak na magbalikan kayo 'diba?" hinarap ko na siya sa tanong niyang 'yun.
I breath deeply.
"Para sa'n pa? Hindi na ako mang-gugulo sa buhay niya Jey. Na-isip ko din kasi na parang ako ang naging ugat nito. Nagkasala pa tuloy siya sa panginoon. Alam ko ng mali ang pinasukan kong relasyon dahil naninilbihan siya sa diyos pero tinuloy ko parin ito." saad ko pa at napabuntong-hininga.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
Fiksi UmumMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...