Chapter 49 - Time To Say Goodbye

384 18 0
                                    

——————————————
CHAPTER 49

ALDI'S POV

Nakakamangha ang tanawin dito sa itaas. Hindi ako nakaramdam ng takot kahit na mataas ang elevation nitong cable car from ground dahil nandito naman si Gab.

Habang nandito kami sa taas ay nagkwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Hindi mawawala sa aming pag-uusap ang mga kabastusan. Innate na sa amin 'yun lalo na dito sa kasama ko.

Napakaloko kahit relihiyoso. Pero nag-enjoy ako sa pag-uusap namin, hindi dahil sa kalibugan kaya ako nag-enjoy. Nag-enjoy ako dahil nabalik namin ang dating kami kahit limitadong panahon lang ito. Parang cellphone kami na na-factory data reset.

Sulitin ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya.

'Yan palagi ang nasa utak ko dahil sayang ang pagpunta namin dito at sayang kung hindi namin susulitin. Kung pwede nga lang mag-extend kahit magbayad ako ng magkano para lang makasama ko pa siya ng matagal ay gagawin ko kahit pa magkautang-utang ako.

~•~

GAB'S POV

It's third day of our stay here in Tromso, Norway. Ang bilis ng oras at bukas ng umaga na ang aming flight pabalik ng San Lorenzo.

Buong umaga kaming namasyal sa iba't ibang lugar. Pumunta din kami sa Mall para bilhan ko siya ng damit. Gusto ko lang na may ibigay ako na damit sa kanya at makitang suotin niya ito. Nilibang lang namin ang aming sarili sa paglakwatsa.

May hindi pa kami nagawa ni Aldi simula no'ng nakarating kami dito. Gusto kong may makipag-make love sa kanya pero nahihiya akong ayain siya baka isipin niyang 'yun lang ang habol ko.

Ang tagal narin simula no'ng huling pagtatalik namin at sa pagkaka-alala ko ay kami pa no'n.

Lumapit ako kay Aldi at niyakap siya habang siya ay nakatalikod. Gusto ko lang maglambing sa kanya. Hinalikan ko ang leeg niya at pinisil ang pisngi niya.

"Alam ko kung ano ang ibig sabihin nitong ginagawa mo Gab? Gusto mong magtalik tayo no?" Binigyan niya ako ng ngiti na nang-aasar.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi sa sinabi niya. How did he know? I mean yes gusto kong makipagtalik sa kanya pero anong ibig sabihin niyang alam niya?

"W-What do you mean my princess?"

"Psh ganyan ka kaya sa'kin 'pag gusto mong may mangyari sa'tin. Hinahalikan ang leeg ko, pinipisil ang pisngi ko at niyayapos ako habang ako'y nakatalikod. Am I right?" ngiting tanong niya.

Sunod-sunod na lunok ang aking nagawa. Nakakahiya 'to.

"Sige na. Oo gusto kong may ma-mangyari sa atin. I want to make love with you," nahihiyang sabi ko at tumalikod dahil sa kahihiyan.

"Sandali. Gusto ko din naman eh. Hinihintay ko lang ang mga tanda na gusto mo ngang may mangyari sa atin. I love you Gab" Muli akong humarap sa kanya at nilapitan siya.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata.

"I love you too. I really do," bigkas ko at dahan-dahan kong inilapit ang aking mukha sa kanya.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon