Chapter 6: Baguio Mission Trip 2✔️

539 27 1
                                    

_____________________________
CHAPTER 6

ALDI'S POV

"Ilang mga masahista narin ang nagmasahe sa'kin Gab pero ni-isa sa kanila ay hindi nag-tagumpay na alisin ang sakit na nararamdaman ko. Pero mukhang ikaw yata ang unang tao na makaka-alis ng sakit na 'to"

Syempre hindi ko 'yun sinabi baka sabihin niyang ang baklang pakinggan. Tiyak na buking ako. Napansin ko lang na humuhugot na ako ngayon Psh.

"Gusto mong samahan muna kita dito?" Natapos nadin siyang masahiin ako.

"Ha? hindi. Okay lang ako" I give him a half smile.

"Sigurado ka?"

"Oo, ayos lang ako,"pagkumbinsi ko sa kanya.

Tumango lang ito at nagsimula ng mag-envangelize.

~•~

Nandito lang ako sa kubo namin ni Gab. Habang ang iba naming kasama ay nasa malaking kubo. Mag i-InstaBook sana ako para ma-kumusta si Ricardo kaso wala akong masagap na signal.

Sinabihan ko siyang sumama sa'kin kaso ayaw niya. Ang daming rason kesyo hindi daw siya makakapunta dahil may gagawin siyang ganito ganyan. Hays makikipagkita na naman 'yun sa kanyang boyfriend.

Makaraan ang ilang oras ay bumalik na din sila. Hindi pa sila natapos dahil medyo madami din ang taong nandito sa baryo.

Ala una na pala ng hapon at hindi pa kami kumakain. Agad kaming lumabas ng kubo ni Gab.

"Hali na kayo. Kakain na tayo," tawag sa'min ni tito at sa mga taong nandito sa baryo.

Dumagsa ang mga tao at nakikain sa amin. Natuwa ako sa kanila. Just seeing their faces with a smile brings a joy to me. Ang gaan lang nilang tignan. Gusto kong maramdaman muli kung ano at pa'no ba maging masaya.

Nagdala ang kasama namin ng mga pagkain para sa'min at sa mga taong nandito. Sobrang sarap ng mga pagkaing niluto nila. Madaling araw nila niluto ito bago kami umalis ng Manila. May mga dinala din silang groceries na ibibigay namin bukas ng umaga.

Nang natapos na kaming kumain ay nag-continue na kaming mag-evangelise and this time sasama na ako. Hindi na naman masakit ang paa ko at kaya ko na.

Sinabihan ako ni Gab na mag-observe lang daw ako kaya 'yun ang ginawa ko. Habang ino-obserbahan ko ang ginagawa niya ay napa-ngiti lang ako.

Napaka-dedicated niya sa pag-serve at sobrang buti niya sa kanyang kapwa. Naka-assign kami ni Gab na mga bata ang aming ba-bahagian ng mga salita ng diyos at ang mga ibang kasamahan naman namin ay mga teens at sila Pastor Sam naman ay sa Adult.

"Okay kids. Anong unang dapat gawin pagising?" ngiting tanong ni Gab sa mga bata.

"Mag-toothbrush po"

"Mang-hilamos po"

"Magdasal po kuya Gab"

"Mag-ligpit po ng mga unan at kumot"

Natuwa kami sa mga sinagot nila.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon