Chapter 39: Vomit

231 14 0
                                    

——————————————
CHAPTER 39

GAB'S POV

Three weeks had passed when Aliyah did something on me. Araw-araw hindi nawawala sa isip ko ang problemang nagawa ko. I was not the one who initiated it pero tumugon ako dahil sa impluwensya ng pina-inom niya sa'kin.

Hindi ko talaga pinahalata kay Aldi na may tinatago ako sa kanya. I acted normally as if nothing happened. I became more clingy to him at pinapadama ko ang pagmamahal ko sa kanya everyday.

Next week na dadating si Dad from Thailand. Napag-usapan na namin ni Aldi ang set-up namin. It's hard kasi I used to wake him up in the morning. I used to take a bath with him. I used to cook for our breakfast, lunch and dinner. We used to make love and eat after doing it. Nasanay na kaming kumain ng kwek-kwek 'pag gabi. Nasanay na akong i-spoil siya at nasanay na ako na palagi ko siyang kasama.

Napaka lungkot isiping hindi na namin magagawa 'yon lahat kasi babalik na kami sa dating gawi. But some of it ay magagawa padin naman namin if gagawa kami ng paraan.

Bumibisita sila tita sa amin at ganon din kami ni Aldi sa kanila upang mangamusta. Hindi parin nagbabago si tita, nagmana nga talaga si Aldi sa kanya sa pagiging masalita.

Si tito naman ay binilinan ako na alagaan ko daw si Aldi. 'Wag ko daw saktan at lokohin ang anak nila. Ngumiti lang ako no'n kay tito. 'Diko kayang magbitaw ng pangako kay tito kasi nagawa ko ng lokohin ang anak nila.

Palihim akong umiinom kasama si Paulo. Umaga palang ay pumupunta na ako sa kanila para 'pag nalasing ako ay makatulog ako sa apartment niya at sa gabi ay makauwi akong walang bakas ng kalasingan. Sinasabi ko nalang kay Aldi na may tatapusin lang kaming trabaho sa Simbahan.

Kapag nag-gathering sa simbahan hindi ako maka-concentrate, parati akong lutang. Hindi ako ganito 'pag nasa harap ko si Aldi, iniiwasan kong isipin ang problema ko 'pag nandyan siya kasi if I will always think of it, it will manifest externally at tiyak kong malalaman ito ni Aldi.

"Gab ko, punta tayo ng mall please" nakangusong sabi ni Aldi.

Hindi ko namalayan ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok niya dito.

"Kiss mo muna ako" ngiting wika ko.

"Ehh sige na nood tayo ng movie. Showing na kasi 'yung inaabangan kong pelikula" paglalambing niya sa'kin at niyapos ang aking katawan.

"Kiss nga muna" sabay nguso ko.

"Eh ayoko"

"Okay" pagtatampo ko pa.

"Sige na nga. Pero dito lang sa cheeks mo ahh. Nakarami kana sa labi ko eh. Baka masanay ako at hanap-hanapin ko 'pag bumalik na ang dad mo" may lungkot niyang tinig.

"Mas okay nga 'yun na hanap-hanapin mo ang masarap kong labi" pisil ko sa pisngi niya. Natawa siya sa aking sinabi

"Psh masarap daw"

"Bakit hindi ba?" lumapit ako sa kanya. Ilang centimetro nalang ay pwedeng maglapat ang aming mga labi. Nakita ko ang pamumula niya sa aking ginawa.

Inilayo niya na ang mukha niya sa'kin at nag-iwas ng tingin.

"Oh sige na i-kiss muna cheeks ko para maka-punta na tayo sa mall" atat niyang wika.

"Nag-iba ang isip ko. Gusto kong ikaw ang humalik sa pisngi ko Aldi" ginawad ko sa kanya ang matingkad kong ngiti.

"Ano pa nga bang magagawa ko. Kung hindi lang talaga busy sila Ricardo ay hindi ko 'to gagawin" natawa ako sa kanyang sinabi dahil parang napilitan lang siyang gawin ito.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon