Chapter 25: The Princess Who Had No Kingdom

282 16 1
                                    

——————————————
CHAPTER 25

ALDI'S POV

Continuation...

"P-Pero if may gagawin ka. Okay lang naman" pagbawi ko.

"Oo na. Ang dami mo pang sinasabi eh. Gusto mong kilitiin kita ulit? Hindi mo ako binibigyan ng oras para mag-salita." ngiting wika niya.

"Ta-Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. We'll join" sabi niya.

"Thank you" agad akong tumayo, lumapit sa kanya at hinagkan siya.

"Pero may kapalit ang pagpayag ko" bumitaw ako sa pagyakap sa kanya.

"Ano naman?" takang tanong ko.

Baka pa-tatalunin niya ako sa mataas na building. Wag naman sana. Pero 'di niya 'yan magagawa sa'kin, mahal niya ako eh. Hehe.

"Halikan mo'ko sa labi" sabay turo niya sa lips niya at ngumuso. Nagitla ako sa kangang tinuran.

"H-Ha? Ang daming tao eh. Sa kotse mo nalang mamaya. Promise" sabay taas sa kanang' kamay ko.

Ngumiti ito at tinitigan ako na para bang tinitingnan niya ang Retina, Pupil, Macula at Optic nerve ko. Tange! Hehe

Iniwas ko nalang ang aking mata sa kanya dahil na-iilang ako. Ang gwapo kasi nitong Prinsipe ko.

Nang matapos na kaming kumain ay tinungo na namin ang kanyang sasakyan.

"Nga pala, naubos naba ang Jakult mo 'yong binili ko?" tanong niya sa'kin at pina-andar ang kanyang sasakyan.

"May Tatlong bote pa" sagot ko.

"Oh gusto mo bili tayo uli? 'Yong mas marami pa sa binili ni Cree sayo o kaya times two sa binili ko noon?" ngiting wika niya.

"Nagselos kaba no'n no'ng binilhan ako ni Cree ng Jakult? My intuition told me noon na nagseselos ka. Tama ba ako?" ngiting tanong ko.

"Oo nagselos ako no'n. Bakit? Bawal ba?" tanong niya. Natawa nalang ako sa kanya

"Pero seryoso Gab. Gusto mo bang malunod ako sa Jakult" tumawa ako dahil sa sinabi niya.

Times two? So One Hundred bottles ang bibilhin niya? Psh!

"Hindi naman sa ganun. Ano gusto mo ba? Bibilhan kita ngayon" tanong nito.

Whut! Seryoso ba siya?

"Wag na muna. Baka sumakit lang ang tiyan ko kakainom ng Jakult. Dagdag mo ba ang magagamit na kuryente dahil palaging bukas-sarado ang pinto ng Ref, mahal pa naman ang babayarin ngayon sa kuryente" wika ko.

"Okay" ngiting bigkas niya at nagpatuloy sa kanyang pag-mamaneho.

Makaraan ang ilang minuto ay narating na namin ang bahay namin. Akmang bubuksan ko ang pinto pero hinawakan niya ang aking kamay, agad ko naman siyang tiningnan at binigyan ng mukhang' nag-tatanong.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon