Chapter 42: Finding Aldi

268 17 0
                                    

——————————————
CHAPTER 42

CREE'S POV

Nasabi sa'kin ni Ricardo kahapon na hiwalay nadaw sila Aldi at Gabriel. Hindi ko alam ang dahilan kaya nga nandito kami ngayon sa bahay nila. Kasama ko si Ricardo at Zeke.

Nasabihan ko nadin si Jeylon tungol dito. Pupunta daw agad siya dito sa bansa. Natatakot ako baka bugbugin niya si Gabriel dahil sinaktan nito si Aldi. Ang lakas pa naman ng amats non 'pag nagagalit.

Kahit papano'y naging magkaibigan din naman kami ni Gabriel pero 'di ko siya tuturinging kaibigan 'pag nalaman kong ginago niya si Aldi kaya sila naghiwalay.

Binigay ko pa sa kanya ang boto ko dahil hindi na naman ipinaglaban ni Jeylon ang pagmamahal niya kay Cutiepie.

Kita ko naman na inaalagaan niya talaga si Aldi. Pero 'di ko mawari kung ba't sila naghiwalay at 'yun ang aalamin ko.

"Titaa" may kalakasang pagtawag ni Ricardo kay Tita Maria.

I pressed the doorbell button thrice. After seconds, an old woman came.

Hindi naman talaga malalaman ng  ibang tao na matanda na pala ito si Tita unless they knew Tita Maria well.

"Oy! Mga anakshies, nandyan pala kayo. Hali kayo pasok." pinagbuksan niya kami ng gate at pinapasok sa loob ng bahay.

"Mabuti't napasyal kayo dito." ngiting sabi ni tita.

"Naman po" agad na sabi pa ni Ricardo.

"Tita how's Aldi?" nag-aalala kong tinig.

Nagbago ang expression ng mukha ni tita, naging malungkot ito.

Inilahad niya lahat sa amin kung ano ang nangyari kina Aldi at Gabriel. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging reaksyon sa sinabi ni Tita. Oo, galit ako pero somehow naawa din ako dahil hindi intensiyon ni Gab ang nangyari.

"Puntahan niyo kaya sa kwarto niya baka pagbuksan kayo. Sabihin niyo na kakain na ng pananghalian. Dito narin kayo kumain" sabi ni Tita.

"Sige po Tita" pinangunahan ko na ang pagtungo namin sa kwarto ni Aldi.

Nang nasa harap na kami ng kwarto niya ay napansin naming hindi naman pala naka-lock ang pinto. Nakaawang lang ang pinto nito.

Agad kaming pumasok.

"Aldi" pagtawag ni Ricardo.

Wala siya dito sa kwarto niya. Tiningnan nadin namin ang banyo pero wala siya doon. Sa'n na kaya 'yon nagpunta?

Bumaba kami at sinabi ito kay Tita. Hinalughug namin ang buong bahay nila pero wala kaming nakitang Aldi.

"Nako sa'n naman kaya ang batang 'yun. Baka may mangyari sa kanyang masama" nag-aalalang sabi ni Tita.

"Shh stop overthinking honey" kinalma niya si Tita.

"Eh anong gusto mong gawin ko Raven? Nag-aalala ako sa anak natin" pasigaw na sabi ni tita.

"Nag-aalala din naman ako. Don't worry hahanapin natin siya." hinalikan niya ang asawa niya at tumingin sa aming tatlo.

The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon