——————————————
CHAPTER 46ALDI'S POV
"Hoy Jey sabihin mo nga sa'kin. Sino ang gumawa no'n sa mukha ni Gab? Ba't parang nasuntok siya," ikako at tinaasan siya ng kilay.
Iba kasi ang tinginan nila no'ng nasa Mall kami kanina. Ta's nadinig ko pa ang sabi niya kay Gab kanina na kailangan nito mag-cold-compress.
"Guess who" Ma-angas pa niyang bigkas.
"Ikaw. Malakas ang kutob ko na ikaw ang gumawa non" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You got it. Ako nga" walang paatubili niyang bunyag.
Nagulat ako dahil hindi siya nagdalawang isip na sabihin 'yun. "Aba ang lakas ng confidence ah. Mabuti at hindi ka nagsinungaling"
"Ofcourse. Why would I hide it? Hindi naman ako katulad niya. He deserved that punch. Dapat nga sinira ko na ang mukha niya eh. Kilala mo ako kung pa'no ako magalit Baby Aldi 'pag may nananakit sa'yo"
Tama siya. Alam na alam ko kung pa'no nga siya manakit. Lalo na 'pag kasama niya si Cree. Tiyak na bugbug abot.
"Sinabi ko nga sa kanya diba na dapat siyang mag-cold-compress para agad gumaling. Ang mabait ko 'diba?" dagdag niya.
Psh self-proclaimed ha! Pero 'buti nga talaga at 'di niya tinege si Gab. Tange siya!
"Ahmm Baby Aldi. Tomorrow it's sunday 'diba? Pwede bang labas tayo? Church muna tayo then mag dinner date? Is that okay with you?" nahihiyang wika pa niya.
Ang bilis naman nitong mag-transition galing sa maangas hanggang sa mukha niyang nahihiya. Tae!
Binigyan ko siya ng nagdududang titig.
"W-What's with that titig?" utal niyang tanong.
"A dinner date? Why? Sabihin mo nga kung ano ba talaga ang intensyon mo Jey, spill it out." Seryoso ko siyang tinitigan.
Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Gusto kita. Matagal na actually," bunyag n'ya.
Sunod-sunod na lunok ang nagawa ko.
Hindi ko lubos akalaing gusto niya ako. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya ay sobrang straight niya na kahit anong gawin mo'y hindi mababali ang kanyang sekswalidad at hindi siya magkakagusto sa tulad ko.
Crush ko pa naman siya noon.
Pinagpatuloy niya ang kanyang sinabi, "At first, I was confused so I decided to migrate to Australia. I tried to flirt different girls but I end up nothing, it didn't work. I stayed there para paghandaan ang pagbalik ko dito sa pinas pero 'yun nga. I saw you na kasama mo si Gabriel at nakita kong masaya ka sa kanya kaya I distance my self, nagparaya ako at bumalik sa Australia. After months, I heard the news that you and Gab broke up kaya agad akong pumunta dito. I love you Aldi dati pa at hindi na ako papayag na masaktan ka. I hope that you won't think na nagte-take advantage ako sa pagkakataong ito. I just want na nandito lang ako sa tabi mo, karamay mo sa pinagdadaanan mo"
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
Fiksi UmumMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...