——————————————
CHAPTER 28ALDI'S POV
Nagising ako ng alas syete ng umaga.
Nakaramdamako ng bigat sa may tiyan ko. Agad kong tiningnan kong ano ito. Tange! Paa pala ni Gab. Inalis ko ito at bumangon. Pumunta ako sa may uluhan niya at tinitigan siya.
'Diko akalaing magiging nobyo ko ang lalaking 'to. Napunta ang paningin ko sa kanyang mapupulang labi. Ilang segundo ko din itong tiningnan at agad na tinungo ang banyo sa loob ng room niya. Baka kasi makita pa niya akong tinititigan ko siya.
Habang akoy naglilinis ng aking katawan dito sa CR ay bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
Flashback
Ako na ang nag-boluntaryong maghugas ng pinagkainan namin kasi siya ang nagluto sa pagkain namin kanina.
Nang natapos kong hugasan ang pinggan ay umakyat na kami sa kwarto niya.
"Maliligo ako Aldi. Gusto mong ikaw muna ang mauna?" tanong niya sa'kin.
"Ahh ikaw nalang Gab. Hihintayin kitang matapos" tugon ko.
Mayamaya'y lumabas ito sa pinto ng banyo. Kitang kita ko ang umbok ng kanyang pagkalalaki, naka tapis lang kasi siya ng tuwalya. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako dito at napa-lunok ng laway.
"Princess it's your turn. Tapos na'ko" saad niya. Nakita kong nakangisi ito sa'kin na parang ina-asar ako. Psh! Naughty.
Agad kong tinungo ang banyo. May dala na akong damit para dito nalang ako magbibihis. Matapos ang kinse minutos ay natapos din ako sa pagligo. Lumabas na ako at nadatnan si Gab na nagpapatuyo ng kanyang basang buhok gamit ang hair blower. Nakabihis nadin ito.
"H-Hindi kaba m-maghuhubad? 'Diba sabi mo 'dika comfortable 'pag may suot ka kapag ikaw matutulog?" nahihiya kong tanong.
"Okay lang na hindi ako maging comfortable. Baka kasi 'pag nag hubad ako ay ikaw naman ang hindi maging komportable." saad niya. Bait talaga ng prinsipe ko.
"Pero if you insist na maghubad ako...okay lang naman" pilyong wika niya at ngumiti. Psh! Mabawi nga. Manyak pala 'tong prinsipe ko.
"Ah basta ikaw bahala. Sige na, mauna na akong matulog sayo" agad kong sabi sa kanya at humiga sa may kaliwang banda ng kama niya.
Isang oras na ang lumipas pero 'di parin ako makatulog. Tange! Hindi nga ako komportable! Lumingon ako sa bandang likuran ko at nakita kong tulog na si Gab.
Napansin ko rin na nakadamit ito.
Bigka akong napangiti dahil sa ginawa niya. Akala ko kasi talaga'y maghuhubad siyang matutulog buti nalang at hindi pero nagi-guilty ako kasi alam kong hindi siya komportable na may suot siya. Hindi naman sa gusto ko talagang makita siyang nakahubad 'tsaka nakita kona ang sawa niya no!Mayamaya'y nakatulog rin ako.
End of Flashback
Bente minutos din akong nanatili sa banyo. Nang natapos na akong maglinis ng katawan ay nagbihis na'ko. Lumabas ako sa banyo pero 'diko nakita si Gab sa kanyang kama.
BINABASA MO ANG
The Pastor's Son (BxB) [COMPLETED]
General FictionMeet Aldi Saavedra, a 21 year old BSEd-MATH teacher, he is a prudent-type of person. However, when he's inlove, he tend to be "Tanga and Marupok" that's why Aldi was deceived by his manlolokong' boyfriend and was deserted. Gabriel Echivaree, a 23 ye...