Prologue

9.7K 137 5
                                    


"Brother, stand the fuck up and go inside your house!" Sigaw ni Demon na kapatid ni Hades

"Just leave me alone! I can handle myself!" Sigaw niya sa kapatid

Demon sighed because of frustration. Itinayo niya ang kanyang kapatid na lasing na lasing dahil nakita nito ang girlfriend niya na may kahalikang iba. Galit na galit si Demon kay Carla na siyang nanloko sa kapatid niya.

'Hindi pa ba siya nadadala sa 7 inches?'

Tanong nito sa sarili dahil hindi niya mawari kung anong mali sa kapatid niya. Nag pasalamat si Hades nang tulungan siyang makapasok ng kapatid niya sa kanyang bahay hanggang sa kwarto nito.

"It seems that your date left you unwanted because of me" mayroong guilt ang pagsasalita ni Hades habang nakapikit

"It's okay. I don't want her neither." Sagot naman ni Demon

"Demon, Umalis kana. Kaya ko na ang sarili ko, salamat" pag tataboy niya sa kapatid nito nang makitang nag hahanap pa ito ng pagkain sa ref niya.

"Okay, call me when you need something" habilin ni Demon

"Tsk" Hades chuckled "I only need Carla and yet she broke my heart, again." Sabi ni Hades at pinunasan ang luhang kumawala mula sa gray nitong mga mata.

"Aalis na ako, Hades. You don't need someone to live, brother. And you don't need someone who only knows how to break your heart every single time" seryosong sabi ni Demon. "Look at me, no commitments, no problem, no worries" natatawa niyang sabi.

"Fuck off, Vasquez" ani Hades tsaka mapait na ngumiti

"Vasquez din ang apelyido mo, matulog kana. Nababaliw kana" sabi ni Demon bago tuluyang nilisan ang silid nito.

Nang maramdamang wala na ang kapatid ay sunod-sunod na kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Kaya nga siya nag lasing dahil gusto niyang makalimot at mawala ang sakit pero mas nasaktan lang siya ngayon. Tumayo siyang muli at pumunta sakanyang kusina dahil plano niyang mag paka lasing hanggang sa makatulog siya.

"Fuck!" Sigaw nito at ibinalibag ang bote ng kanyang 1945 Romanee-Conti.

Inubos niya ang lahat ng alak na naka imbak sa bar island niya habang wala sa sariling umiiyak na parang bata. Pero nahinto siya nang bigla siyang nakarinig ng yabag mula sa kanyang pintuan.

"Lalo kang maiiyak kapag hindi ka nag-yayaya" bumaling siya ng tingin sa pinanggalingan ng boses na iyon.

At doon niya nakita ang mga kaibigan niya na si Dionysus, Hephaestus, Hermes at ang kapatid niyang si Demon. May dala ang mga ito ng Cheval Blanc at nakangising lumapit sakanya.

"Let's start the party!" Sigaw ni Hephaestus na siyang nag bukas ng bote.

"Ikaw pa ang excited e wala ka ngang ambag jan" pag putol ni Hermes sa kaligayahan ni Hephaestus

"Akala mo naman may inambag ka rin?" Sabat ni Dionysus na kasalukuyang kumukuha ng baso para sakanila.

"Ang ambag ko dito ay kaligayahan" natatawang sabi ni Hermes tsaka ginatungan ni Hephaestus "Nandito kami para samahan ang kaibigan namin hindi para gumastos. Ang yaman yaman niya tapos bibilhan ko pa siya ng alak?" Wika nito kaya tumawa silang lima.

"Kayo lang ang mag babaso. Tutulungan ako ng kapatid kong ubusin ang alak sa mga bote na 'to" turo ni Hades sa mga alak niya.

"Wag na pala mag baso e! Tara na!" Sabi ni Demon at kumukha ng alak niya.

"Brother, hinay hinay ako ang broken" natatawang sabi ni Hades kay Demon

"Love is crazy!" Sabi naman ni Dionysus tsaka sumayaw sayaw

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon