Chapter 9

4.2K 82 0
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!



Hades smiled the moment that Persephone gave her the espresso that she made for her. Ngumiti lang sakanya ang dalaga kaya nagtataka siya kung anong problema at bakit biglang nanahimik nalang ito? Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nagawa siyang mali. Lalapitan na niya sana ang dalaga nang biglang makatanggap siya ng mensahe nang tumunog ang kanyang telepono.

Hindi na kaya ni Persephone ngayon na kausapin si Hades kaya lumayo muna siya at si Athena nalang ang kinakausap niya. Alam niyang nararamdaman ito ni Hades kaya hanggat maaari, ngumingiti parin siya rito. Hindi na niya nakikita si Olivia habang si Demon naman ay inaayos ang kanyang camera. Hindi parin sila okay ni Athena.

"Darling, is it okay with you if sumabay ka muna kay Athena?" Masuyong tanong ni Hades "Athena, pwede mo ba siyang isabay muna?" Tanong niya kay Athena

"At bakit? Ako ba ang nanliligaw sakany---"

"Sige, sasabay nalang ako kay Athena" nakangiting pag-putol niya sa sasabihin ni Athena

"Nag-aya kasi ang mga kaibigan namin ni Demon na mag-inuman e" dagdag ni Hades

"Okay lang, mauna na kami ha? Ingat ka okay?" Nakangiti niyang sabi

"Hintayin mo ako sa bahay" sagot ni Hades at hinalikan siya sa labi kahit nakaharap ang kanyang kaibigan at kapatid.

"Let's go, Athena" anyaya ni Persephone kay Athena na nakapag palit na ng damit.

"Mauna na kami" paalam ni Athena at tumalikod na agad.

"Anong nangyari?" Tanong sakanya ni Athena

"Nothing, I just felt hungry" palusot niya

"Sige, tuloy ka muna sa bahay. I'll call the girls" naniniwalang sabi ni Athena.

Gusto niyang umiyak pero hindi niya magawa dahil nahihiya siya sa kaibigan. Tulala lang siya buong byahe dahil alam niyang medyo may kalayuan ang bahay ni Athena kaya naisip niyang matulog nalang. Hindi siya makatulog lalo na't alam niyang ang kotse ni Athena ay binili niya mula sa kumpanya ni Hades.

Huminto muna sila sa gasoline station tsaka bumaba ang kanyang kaibigan para magpagasolina. Dahil naiihi na siya, nag-paalam siya na mag babanyo muna siya. Pagkatapos niyang gumamit ng palikuran, may narinig siyang ingay kaya napatingin siya kung saan nagmula ito.

"Hades! I miss you!" Sigaw ng babae. Agad na nagtayuan ang mga balahibo niya nang marinig ang pangalan ni Hades but, who knows? Baka ibang Hades ang tinutukoy nito.

"Carla, let's go. I'll take you home" nang marinig ang boses ng lalaking nag salita, doon parang tinaga ang puso niya at mas lumapit para makita ang istura ng lalaki.

"Si Hades..." gulat na bulong ni Athena na nasa tabi na pala niya at halos kapareho niya ngayon na hindi alam kung anong gagawin dahil sa nakita.

Kayakap ni Hades ngayon si Carla. Ang kaibigan niya noon na si Carla. Matalik silang magkaibigan noon, palagi niya itong kasama bago niya makilala sina Athena at ang mga kaibigan nila. Si Carla ang may alam ng lahat ng nangyayari sa buhay niya. Binilhan niya pa nga ito ng mamahaling bag bago sila gumraduate ng high school sa pag-aakalang mag tatagal ang pagiging magkaibigan nila pero bigla siyang ginago ni Carla.

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon