Chapter 29

4K 67 2
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!






HINDI mapakali si Hades nang makarating sila sa ospital at ipinasok na sa emergency room si Persephone. Kahit na hindi siya naaksidente ay gusto niyang masigurong maayos ang kalagayan nito. Kanina pa siya palakad lakad dahil hindi niya kayang kumalma. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Persephone kaya naman paano siya kakalma?

"Umupo ka nga" nakasimangot na sabi sakanya ni Demon kaya tinignan niya ito at pinakinggan

"Okay lang kaya siya?" Tanong niya sa kapatid

"Aba, malay ko! Ako ba ang doctor dito?" Pilosopong sagot ni Demon

"Dicktor ka" nakangisi naman na sabi ni Hermes na katabi si Hephaestus.

Tumingin sila kina Athena na bumili ng pagkain kaninang pag dating nila sa ospital. Nag lalakad ang mga ito palapit sa kinaroroonan nila kaya ang mga kaibigan nila ay hindi magkanda-ugaga sa pag-punas ng benches para makaupo sila. Natawa naman siya sa mga ito kaya naman pinanood niya silang pagsilbihan ang mga babaeng kasama nila.

"Ang tagal niyo!" Singhal ni Hephaestus

"Ano bang pake mo? Ikaw kaya ang bumili roon at nang masubukan mo ang buwis buhay na pakikipag talastasan sa pag e-english" sabi ni Hestia sakanya

"Ang easy lang mag English, ah." Sagot ni Hephaestus

"Sana all! Edi ikaw na matalino" sabi ni Hestia at umupo sa tabi ni Hades

"Uhm, Athena.." pag tawag ni Hades kay Athena na kasalukuyang sumusubo ng pagkain

"What?" Tanong ng dalaga

"Bakit medyo lumaki ang katawan ni Persephone? Nag t-take ba siya ng anti depressants?" Tanong din niya

"Manyak ka talagang punyeta ka" sabi ni Athena sakanya "pumupuro kana ah" dagdag niya

"Ano na naman!?" Naguguluhan niyang tanong

"Kanina, mamamatay na ang kaibigan ko pero inuna mo pa ang kalibugan mo. Anong tingin mo sa ginagawa mong pag halik sakanya? CPR? o baka akala mo siya si Snow White at ikaw ang prinsipeng makakapag pagising sakanya gamit ang halik mo?" Sabi ni Athena kaya tumawa ang mga kaibigan nila.

"Nag papanic lang ako!" Depensa niya

"Aba! Grabe ka naman pala mag panic, Hades. Required bang mang halik kapag nag papanic? E kung nag panic ka bigla at wala si Persephone pero si Olivia lang ang nariyan, hahalikan mo si Olivia?" Pambabara naman sakanya ng dalaga

"Pare, tama siya" bulong ni Hermes sakanya

"At ngayon ah, ngayon ngayon lang. Talagang katawan niya pa ang inuna mong itanong saakin kung bakit tumaba siya? Gusto mo bang mabigwasan ulit?" Parang hindi prinsesa ang kaharap niya ngayon dahil kung maka-asal ito ay parang isa lamang siyang tambay sa kanto.

"Curious lang naman ako" natatawa niyang sagot

"Siguro, noong wala ka at akala namin ay patay kana kain siya ng kain" sagot ni Athena sakanya

"Stressed eating?" Tanong niya

"Oo" sagot ni Athena

"Okay" tatango tango niyang sabi at kumuha sa pagkain ng dalaga pero tinampal nito ang kamay niya

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon