Chapter 27

3.6K 68 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!


It's been four months since Hades passed away. Malapit na rin mag six months old si Benjamin at kasama niya ito ngayon sa van para pumunta sa isla ng ama niya. Huminga siya ng malalim sabay tumingin sa labas ng bintana para tignan ang magagandang tanawin. Hinawakan ni Athena ang kanyang kamay at ngumiti sakanya para pagaanin ang loob niya.

"Kaya mo na ba?" Tanong ng kanyang kaibigan nang makababa na sila sa van

"Para sa anak ko" nakangiti niyang sagot at sumakay na sa yate ni Dionysus para makapunta na sa mismong isla ni Hades

"Gwapo ng anak mo, ah" pamungad ni Dionysus sakanya at ngumiti kay Athena. Nakipag beso siya sakanya at sumagot

"Mana sa tatay" sagot niya

"Sino ba ang tatay niya?" Tanong ni Dionysus

"Si Hades" sagot niya naman kaya gulat na gulat ang kaharap niyang lalaki

"Totoo!?" Gulat na sigaw ni Dionysus "Athena, 'wag mo akong lapitan. Ayaw ko pang mamatay" sabi naman ni Dionysus kay Athena nang akmang lalapit ang babae sakanya kaya nginisian lang siya nito

"Yes, anak siya ni Hades" sagot niya

"Bakit ngayon mo lang sinabi!?" Tanong muli ni Dionysus

"Sasabihin ko sana kaso umalis na si Hades" malungkot man ay pinilit niyang ngumiti at tumingin sa binata

"Uhm, pwede ko ba siyang hawakan?" Tanong ni Dionysus kaya tumango siya at ibinigay niya ang anak niya sakanya. "Hi, baby! Alam mo, ang gwapo gwapo ng daddy mo. Pero mas gwapo ako. Call me Tito Dionysus, okay? Ako ang pinaka pogi sa lahat. Huwag mo sanang kukunin ang ugali ng Tito Demon mo, masyadong mapanganib" pagkausap ni Dionysus sa bata na ngayon ay tumatawa habang nakikinig sakanya

"He likes you" sabi ni Persephone kaya mas lalong lumapad ang ngiti ni Dionysus na akmang hahalikan sa pisngi si Benjamin pero sinampal siya ni Athena

"Bawal mong halikan ang inaanak ko" sabi ni Athena

"Protective ah, anak mo?" Tumatawang tanong ni Dionysus

"Never kiss a baby that's not even yours" sabi ni Athena at tinignan siya ng masama

"Pamangkin ko naman siya e!" Depensa ni Dionysus

"Wala akong pakialam" mataray na sabi ni Athena at kinuha ang bata sa lalaki "Gumawa ka ng sarili mong anak at siya ang halik halikan mo. Huwag ang inaanak ko" masungit na singhal ni Athena sa lalaki kaya mahina siyang tumawa

"Masyadong gwapo ang anak namin kaya baka pati ikaw gugustuhin na halikan siya sa pisngi" tumatawang sabi ni Dionysus "Pero hindi rin kita papayagan" dagdag niya pa

"Sino bang may sabing hahalikan ko ang anak mo?" Pambabara sakanya ni Athena "Kapag ako ang nagkaroon ng anak, hindi mo siya mahahawakan hanggat hindi mo ginagamit ang pinaka mahal na alcohol sa buong mundo" banta ni Athena

"I won't chase your child then" mayabang na tugon ni Dionysus

"Oh yes, that's too easy to say. Pero hindi ako naniniwala sa'yo dahil sinungaling ka" ngisi ni Athena at tinalikuran sila pero muli itong humarap "And Dionysus, may I remind you... Even if she's chasing you doesn't mean na magtatagal siya" mataray na sabi ni Athena

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon