Epilogue

5.3K 125 25
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

NAGTATAWANAN silang magkakaibigan ngayon habang papasok sa bahay ng mga magulang ni Hades kasama ang dalawang anak nila na si Benjamin Blaire at Danae Chelsea. 2 years old na si Benjamin habang 1 year old palang si Danae. Palaging niyayakap ni Benjamin ang kapatid niya at malambing itong kinakausap kahit hindi naman sila nagkakaintindihan.

Nang buksan na ng ina ni Hades ang gate ay nag mano silang lahat. Ngumiti ito sakanila at inanyaya sila papasok sakanilang tahanan. Kumpleto sila ngayon dahil kailangan na rin bumalik ni Athena sa London. Malungkot man, ay tinanggap niyang kailangang gawin ni Athena ang gampanin niya sa London. Kaya naman ngayon ay masaya parin siya dahil buo na ang kanilang pamilya.

"Grabe, I'm so happy to see Benjamin playing with his Grandfather" nakangiting sabi ni Hades sakanya habang tinitignan ang panganay nilang anak kasama ang lolo niya.

"Mabuti nalang hindi lalaki ang pangalawa ninyong anak" sabi ni Athena habang buhat ngayon si Danae na ayaw nang bumitaw sakanya.

"Bakit naman?" Tanong ni Persephone

"Edi nag mukhang Hades and Demon the second sila" sagot ni Athena kaya tumawa silang mag-asawa.

"I heard that!" Sabi ni Demon at mabilis na lumapit sakanila

"Anong pakialam namin?" Mataray na tanong ni Athena

"Ikaw ba ang kausap ko?" Tanong ni Demon

"Oo" sagot ni Athena

"Paano?" Tanong ulit ni Demon

"Kausap mo na ako, tanga ka ba?" Pilosopong sabi ni Athena kaya iniwan nilang dalawa ni Hades ang mga ito.

"Hades" malambing na tawag ni Persephone kay Hades

"Yes, Darling?" Tanong ng lalaki sakanya. Hindi parin talaga nawawala ang kilig na hatid nito sakanya sa tuwing babanggitin ni Hades na siya ang darling niya.

"Tutulungan ko lang si mama" paalam niya at hinalikan ang kanyang asawa sa labi

"Mag-iingat kayo" sabi ni Hades kaya tumango siya at pinuntahan na niya ang kanyang biyenan na hinihintay siya sa kusina.

"Ano po ang lulutuin natin ma?" Tanong ni Persephone sa Ina ni Hades

"Sinigang" nakangiting sagot ng kanyang biyenan "Noon kasi, palaging nirerequest saakin ng asawa mo ang sinigang" pag kwento niya kaya tumango siya.

"Alam mo ba, madalas noon na mag tampo saamin iyang si Hades" biglang sabi ng kanyang biyenan

"Bakit naman po?" Tanong niya

"Busy kasi kami. At palagi rin siyang napapagalitan" sagot nito

"Soft hearted po kasi siya" nakangiti niyang sabi

"Oo, madalas siya pa ang parang bunso sakanila ni Demon" tumatawang sagot ng ginang "Pero alam mo, hindi man namin ipinapakita pero proud kami sakanya" at dahil doon ay nangiti siya

"Mahal na mahal po kayo ni Hades, ma" nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ng kanyang biyenan

"Sobrang saya ko nang ipakilala ka ni Hades saamin. Sa'yo lang ako tuwang tuwa. Maaarte kasi ang mga pinakikilala saamin ni Hades noon" masayang sabi ng ginang

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon