THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
NAKANGITING pinagmamasdan ni Persephone ang kanyang sarili ngayon sa harap ng salamin. Ang Ina ni Hades ang siyang kumuha sa makeup artist niya kung kaya't masayang masaya siya dahil bagay na bagay niya ngayon ang pagkaka-ayos sakanya.
Ilang segundo lamang ang lumipas, mayroon siyang narinig na tatlong sunod-sunod na katok mula sa labas ng kanyang silid kaya naman binuksan ito ng makeup artist niya, at iniluwa ng pinto ang kaibigan niyang si Athena na nakaayos na rin at bagay ang kulay ng gown na kanyang suot.
Humarap siya rito at ngumiti tsaka ngumuso dahil naiiyak siyang tinignan ang kaibigan."Ay! Huwag mo akong matignan-tignan ng ganyan, Persephone." Sabi ni Athena "Para sabihin ko sa'yo, hindi mo bagay! Mukha kang bibe!" Dagdag ng kaibigan kaya natawa siya
"Bakit ka nandito?" Tanong ni Persephone
"I'm here to give you my gift" sabi ni Athena at ibinigay ang isang mahabang box sakanya na sobrang bigat
"Ano 'to?" Tanong niya sa kaibigan
"Edi sana hindi ko na binalot kung sasabihin ko rin naman kung anong laman niyan" nakasimangot na sabi ni Athena
"Ikaw talaga, kasal ko ngayon! Pwede bang huwag mo akong tarayan?" Singhal niya sa kaibigan at nag simulang buksan ang handog nito
"Walang exemption ang katarayan ko" sagot naman ni Athena
Nakangiti niyang binuksan ang isang malaking kahitang kulay mint green at excited na siyang malaman kung ano ang laman nito. Si Athena naman ay pinag krus ang mga kamay at sumandal sa pader na animo'y isang lalaking naghihintay ng kanyang date.
"Anong gagawin ko sa espada!?" Tanong niya kay Athena
"Vibrator 'yan, baka gusto niyong gamitin ni Hades" biro ni Athena
"Sira ulo!" Sigaw niya
"Binigay ko 'yan, para kapag nag-away kayo o kaya nambabae siya, saksakin mo na agad" brutal sabi ni Athena at ngumisi pa na parang demonyo
"Ang sweet ng regalo mo, ah. Hindi pa nga ako kinakasal, gusto mo na ngang patayin ko si Hades" tumatawang sabi niya
"May sexy panty pa 'yan" nguso ni Athena sa panty na nakatago sa ilalim ng espada. "Baka kailanganin niyo mamayang gabi pampagana" kaya tumawa siya ng malakas dahil maloloka siya sa regalo ng kanyang maid of honor
"Hello, bride!" Masayang sigawan ng mga kaibigan nila at pumasok kaya ngumiti siya at gustong maluha pero sayang ang makeup, kaya 'wag nalang.
"Hala, ikakasal na siya!" Malambing na sabi ni Iris at niyakap siya kaya hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha
"I'm so happy to have you in my life" nakangiti niyang sabi sa lahat ng kanyang mga kaibigan "all of you" sabi niya kaya nag group hug sila.
"Ang dami niyong pinag daanan ni Hades, pero hindi kayo nag patinag ano?" Masayang sabi ni Nemesis
"That means, love really find its own way to the person whom you're destined for" sabi ni Hestia kaya ngumiti siya at hinawakan ang kamay ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Mr.Coffee meets the Ms.Barista (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]
RomanceWARNING: SPG| R-18| CONTAINS MATURE CONTENT Si Lufian Hades Vasquez ay isang sikat na business man sa loob o sa labas man ng bansa. Tinagurian siyang King of Pain nang lokohin siya ng mga babaeng minamahal niya. Not until he met his Ms.Barista who c...