Chapter 25

3.8K 72 1
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

"AHOY, LADIES!" Pamungad ng isang makisig na lalaki sakanila na sa tingin ni Persephone ang siyang kapitan ng yateng sasakyan nila.

Isa-isa niyang ilalayan ang mga ito at sinadya ni Nemesis na mag pahuli at ngumiti sa lalaking kapitan na kaharap nila ngayon. Napailing nalang siya sa kaibigan dahil kahit kailan talaga ay napaka hilig niya sa mga lalaki. Ngumiti siya at nag pasalamat sa binata nang siya na ang alalayan nitong maka-akyat sa yate. Umupo siya sa tabi ni Athena na nakangiting tinitignan si Nemesis na lantaran ang pag harot sa binata na halata namang naiirita sa ginagawa niya.

"Good evening, my name is Dionysus Albert Mondrada. Just simply call me, Dionysus. I am Iris' cousin and your chief captain for tonight. Enjoy your stay, and welcome aboard!" Pagpapakilala ng lalaki na pinsan pala ng kaibigan nila.

"Hi!" Nakangiting pag tawag ni Nemesis sa lalaki

"Tigilan mo ako" nakangiti man, pero nahahalata niyang hindi gusto ni Dionysus ang ginagawa sakanya ni Nemesis

"Uhm, saan tayo dadaong?" Tanong naman ni Persephone

"Mayroon tayong isang paraisong pupuntahan kung saan nakasisigurado akong magiging masaya ka" nakangiting sabi ni Dionysus sakanya

Iniwan muna sila sandali ni Dionysus na sinundan bigla ni Nemesis kaya tinawanan silang dalawa. Siya naman ay tumayo at pumunta sa top deck ng yate para tignan ang ganda ng karagatan. Masaya niyang pinakiramdaman ang simoy ng hangin ngunit naputol iyon nang itulak siya bigla ni Hestia dahilan para muntik na siyang mahulog.

"Gago ka ba?" Naiinis na tanong niya kay Hestia

"Sorry? May itatanong sana ako" medyo nahihiyang panimula ni Hestia

"Ano?" Tanong niya

"Dapat talaga kay Athena ako mag tatanong pero sa'yo nalang kasi, laspag kana e" at sinampal niya si Hestia dahil sa mga sinabi nito kaya tumawa silang dalawa.

"Tanga, ano nga?" Nakangiti niyang tanong sa kaibigan

"Uhm, may kaibigan si Hades na nililigawan ako---"

"Sino!?" Tanong niya

"Basta! Ang gusto ko lang itanong, ay kung dapat ko ba siyang bigyan ng puwang dito sa puso ko" hindi sinagot ni Hestia ang tanong niya kanina

"Oo naman, give him a chance. 'Wag kang gagaya saakin" tugon niya

"Paano kapag nakipag sex ako sakanya?" Tanong niya

"Nakipag sex ka ba?" Tanong din ni Persephone sa kaibigan

"H-Hindi pa. Noong mga panahon na wala ako at hindi niyo ako mahagilap ay nag kulong ako sa bahay dahil binabagabag talaga niya ang isipan ko" sagot ni Hestia

"Hmm, basta pag bigyan mo siya" nakangiti niyang sabi kay Hestia

"Paano kung saktan niya ako?" Nag-aalalang tanong ng kaibigan

"Parte talaga iyon ng pagmamahal. Tsaka mo na iyan isipin kapag sinaktan kana niya. Mag enjoy ka muna" sagot niya

"Salamat ha..." first time niyang marinig na magpasalamat ng walang bahid ng sarkasmo ang kanyang kaibigan kaya ngumiti siya at niyakap ito.

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon