Chapter 23

3.5K 63 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

Huminga siya ng malalim nang matanaw niya ang entrada ng Leopard Airlines na alam niyang pag-aari ni Demon. May iilang mga piloto na ngumingiti sakanya at pilit na nag papapansin sakanya pero hindi niya sila inalintana at nag tuloy tuloy sa opisina ni Demon na siyang pakay niya.

"Excuse me Ma'am, may appointment po ba kayo?" Tanong ng isang lalaki sakanya

"Uhm, wala. I just wanted to talk to your boss" sagot niya

"Tatawagan ko lang po siya" sabi ng lalaki at may tinawagan sa telepono nito "Yes, sir. Hindi po siya mukhang malandi, sir. Okay sir---" sabi ng lalaki at humarap bigla sakanya

"Ano raw?" Tanong niya naman

"Tara ho, Ma'am. I am Julius, Mr. Demon's secretary" pakilala ng lalaki sakanya

Nagtataka man siya kung bakit lalaki ang secretary ni Demon, hindi na niya iyon pinaka isip dahil ilang hakbang lang ay narating na nila ang opisina ng lalaki. Nang makapasok sila ay nakita niya si Demon na abalang kinakalikot ang kanyang laptop. What is he doing? Business ba? Sa mukha ni Demon, para mas na s-stress pa siya sa babae at hindi sa negosyo niya ngayon.

"Persephone, what do you want?" Nakangiting tanong ni Demon sakanya

"Uhm, Hi. Nasaan si Hades?" Tanong niya kay Demon

"Alam mo na Airlines ko ito at hindi ang opisina ng kapatid ko. Kung siya ang pakay mo, anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Demon sakanya kaya napalunok siya.

"Uhm---"

"Ayaw mo bang umupo? Ako ang nangangawit sa ginagawa mo" pag putol ni Demon sa sasabihin niya at napagtanto niya ngang nakakangawit nga naman kung tatayo siya hanggang mamaya

"Narito ako para itanong kung ano ba talaga ang pakay ni Hades sa buhay ko, kung bakit niya ako ulit ginulo?" Panimula niya

"So, sa tingin mo ay ginulo ka ng kapatid ko?" Ngisi ni Demon.
Mukhang mali ang nilapitan niya para itanong ang bagay na katulad nito...

"H-Hindi naman sa---"

"Persephone, listen. My brother never dated super models that wants to date him because he's been waiting for you while you're away" pag putol na naman ni Demon sa sasabihin niya "He even asked us to search for you in different countries. hinanap ka namin sa lahat ng bansa rito sa asya, europe, africa, lahat ng bansa, Persephone. North Korea nalang ang hindi dahil tinamad na si Hermes at dahil nakita na kita sa London"

"H-He really did that?" Tanong niya

"Sasabihin ko ba kung hindi?" Pamimilosopo ng lalaki sakanya kaya ikinuyom niya ang kanyang mga kamao dahil sa pamumuo ng inis sakanya.

"Tell me more" pakiusap niya

"At bakit? Para magsisi ka dahil sa ginawa mo sakanya? You know how many times he cried in front of us just because of you? My brother cried too many times because a woman who can't even afford to believe his side. He cried in front of me, and begged me to find you and yet, you did not even made a way to find and to listen to his pain" sumbat ni Hades kaya natikom ang bibig niya

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon