Chapter 24

3.5K 61 0
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

"Hoy, Persephone! Gumising ka" paggising ng kanyang ina sakanya at pinag-papalo siya ng malakas sakanyang braso

"Bakit?" Inis niyang tanong

"Pinatatawag ka nila ate Athena sa ibaba. Mag suot ka raw ng beach dress" sabat ni Jaden

Awtomatikong tumaas ang isang kilay niya nang marinig ang sinabi ng kayang kapatid. Bakit naman siya tinatawag ng mga ito? Akala ba niya ay wala siyang kwenta para sakanila? Kaagad siyang bumangon at pupuntahan sana ang anak niya nang makita niyang hawak ito ng ama niya. Wala na ba siyang karapatang hawakan naman si Benjamin?

Kibit-balikat siyang pumasok sakanyang banyo at naligo. Nag suot siya ng beach dress at nag dala ng kanyang mga damit. Panigurado kasing hindi pupunta sa beach ang mga kaibigan niya ng isang araw lang. Pag labas niya sakanyang kwarto, kalaro ni Luna si Benjamin na hawak ng kanyang ina ngayon. Sumimangot siya at nilapitan ang kanyang anak para halikan ito.

"Wala na ba akong karapatang hawakan ang anak ko?" Nakasimangot niyang sabi

"Malapit na rin naman kaming bumalik sa greece, anak. Ano bang tinatalak mo jan" sagot ng kanyang ina

"Tara na" bigla naman siyang napatingin kay Athena na walang emosyong nakatangin sakanya.

Imbes na sumagot siya ay dinaanan na lamang niya si Athena at hindi ito pinansin tsaka sa lumabas sa bahay nila. Nakita niya ang tatlo nilang kaibigan na hinihintay siya at pinag tawanan siya ng mga ito nang makalabas na siya sa wakas.

"Pustahan, nag-isip kana kung paano mo kami hindi kakausapin lahat after ng sinabi namin sa'yo" tumatawang sabi ni Hestia

"Matampuhin masyado" dagdag ni Nemesis

"Para kang bata na nag-iisip kung paano maglalayas at babalik na may milyones na dala dala" tumatawang sabi ni Iris

"Ang sakit kaya ng mga sinabi ninyo saakin!" Naiiyak na naman niyang sabi

Biglang dinaanan siya ni Athena at sumakay na ito sa van na sasakyan nila. Nahihiya tuloy siya sa kaibigan sa kagaspangan ng pakikitungo nito sakanya kanina. Tumabi siya kay Iris habang si Hestia at Nemesis ay abala sa pag kalikot sa kani-kaniyang mga telepono nila. Kalmado naman si Athena na nakapikit at tila walang pakialam sa mga nangyayari.

"Athena, sorry na" pag kalabit niya kay Athena na nakaupo sa harapan nila

"Sana ganyan ka rin kalambing kay Hades, ano? Kaso hindi.  Hahanap hanapin mo kung kailan sumuko na siya" biglang banat ni Athena kaya natahimik siya

"Sinabi ba ni Demon?" Tanong niya

"Anong pakialam ko kay Demon? Alam ko naman na hinahanap mo si Hades ngayon" naiiritang sagot ng kaibigan niya

"Wala na nga siya, ano pang gagawin ko?" Nanghihina niyang bulong

"People tend to realize how much they care for a thing when they're starting to loose it." Makabuluhang sabi ni Athena

"Ikaw nga riyan ang nag layo saakin sakanya" pang-aasar niya at tumabi kay Athena. Iniwan niya si Iris na nakangisi habang nakatutok sa telepono nito

"Ang kapal naman ng mukha mo, Persephone. Ikaw ang sumama saakin sa London ano" pambabara sakanya ni Athena

"Ayos na ako kahit wala siya, masasanay din ako" pahina ng pahina niyang sabi.

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon