THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
Hanggang ngayon ay tulala parin si Persephone habang nakatingin sa pintuang dinaanan palabas ng lalaki. Hindi niya maintindihan kung anong meron at bakit siya nito sinungitan? Pero alam niyang mali nga siya dahil hindi na nagkaroon ng privacy ang mga costumers nila. Habang tulala naman siya ay pumitik pitik sakanyang harapan si Nemesis na siyang kausap niya bago siya lapitan ng lalaki kanina.
"Huy! Ayos ka lang ba?" Tanong ni Nemesis
"O-Oo." Sagot niya sa kaibigan
"Costumer niyo pala si Hades Vasquez?"
"Hindi ko alam." Sagot niyang muli at sa wakas ay nakabalik na ito sa huwisyo.
"Tss, osige ha? Mauna na ako. May blind date pa kasi ako baka iwan ako non bigla e" paalam ni Nemesis saka ito nakipag beso sakanya.
Matapos ang insidenteng iyon ay hindi na pa napayapang muli ang isipan ni Persephone. Matapos ng kanyang shift ay nag abang ito ng taxi at tumuloy sa tinutuluyan niyang bahay. Wala ang mga magulang niya sa bansa dahil nasa Greece sila naninirahan ngayon. Pamilyang pintor kasi sila kaya naman doon daw ang nararapat na lugar para sakanila para sa kanyang mga magulang.
-----
"Who the fuck is Hades!?" Singhal ng kaibigan ni Persephone na si Athena habang kausap niya ngayon sa Skype.
"I don't know? Sinabi lang siya ni Nemesis saakin kanina" clueless na sagot nito
"Hindi mo kilala tapos hinayaan mong sigawan ka lang niya bigla?" Mataray na tanong ng kaibigan sakanya
"Sis, I'm also in shock! Hindi ko nga ineexpect na ang ganon kagwapong lalaki ay lalapitan ako para lang pag sabihan e" sabi niya tsaka palihim na ngumiti
"Huwag mong unahin ang kalandian mo, Persephone. Malamang kahit sino ay lalapitan ka sa lakas ng tawa mo. To remind you, isa kang barista sa coffee shop at hindi isang bar tender sa bar" pambabara ni Athena
"Miss na kita" nakangiti niyang sabi dahil gusto niya na itong makita tsaka marinig ng live ang pambabara nito
"Galyna Persephone Villanueva, miss na rin kita. Pero tandaan mo, kailangan mo idefend ang sarili mo palagi." Sabi ni Athena tsaka tinanggal ang suot na roba
"What the fuck, Athena! Mag damit ka nga!" Gulat na sabi ni Persephone nang makitang walang bra na suot ang kaibigan.
"Why? Nasa bahay lang naman ako. Nag hahanap lang ako ng sando" anito tsaka isinuot ang puting sando na sobrang laki
"Sana hindi ka nalang nag sando" sarkastiko niyang sabi.
"Persephone, bahay ko ito at wala akong kasama. Like duh? Ayos ka lang? Wag mo nga akong idamay sa conservative shitness mo" sabi niya at nag middle finger sa harapan ng camera
"Sira ulo ka talaga" natatawang sabi ni Persephone
"Oh, by the way. Anong oras na jan?" Tanong ni Athena
"It's 10:32 pm here" sagot naman niya
"3:32pm palang dito" inis na sabi ng kaibigan
"3 pm tapos ganyan lang ang suot mo!?" Gulantang niyang sabi
BINABASA MO ANG
Mr.Coffee meets the Ms.Barista (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]
RomanceWARNING: SPG| R-18| CONTAINS MATURE CONTENT Si Lufian Hades Vasquez ay isang sikat na business man sa loob o sa labas man ng bansa. Tinagurian siyang King of Pain nang lokohin siya ng mga babaeng minamahal niya. Not until he met his Ms.Barista who c...