THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.
KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
"NASAAN SI HADES!?" sigaw ni Hermes sa buong Kotse de Vasquez nang makapasok ito sa opisina ni Hades.
"Nandito ako, bakit?" Nakangising sabi ni Hades kaya gulat na humarap si Hermes sakanya
"Pre! Buhay ka!" Masayang sabi ni Hermes at sinampal si Hades
"Obviously, Hermes" sabi naman ni Demon na nakaupong pandekwatro habang naka krus ang kanyang mga kamay
"Wala akong pake sa'yo, Demon" sabi ni Hermes at nakangiting humarap kay Hades "Alam na ba nila Hephaestus at Dionysus?" Tanong sakanya ng kaibigan
"Oo, last month pa ako magaling. Ikaw nalang ang hindi bumibisita saakin" sagot ni Hades kaya napakamot ng ulo si Hermes
"Busy e" palusot ng lalaki
"Baka nambabae" at tumingin sila bagong dating na si Hephaestus na mukhang kagagaling lang sakanyang mall dahil may dala itong malaking kahon na ibinalibag niya lang sa loob ng opisina ni Hades
"Bro!" Nakangiting pag bati ni Hades sa kararating niya lang na kaibigan
"Kamusta, Vasquez" ngisi ni Hephaestus
"Sino saamin ng kapatid ko?" Tanong ni Hades kaya tumawa si Demon
"Kamusta, matandang Vasquez" pag-uulit ni Hephaestus kaya tumawa si Demon at Hermes na ngayon ay binubuksan ang kahon na dala ng kaibigan nila
"Wala ka talagang silbi, lumayas ka sa harapan ko!" Pag tataboy ni Hades kay Hephaestus at nakangising umupo sakanyang sofa at binuksan ang tv
"Hoy, Hephaestus! May balak ka bang mag camping dito?" Tanong ni Hermes
"Bakit?" Sagot ni Hephaestus
"Puro groceries ang dala mo, anong gagawin mo sa mga ito?" Tanong ni Demon
"Alam ko kasing mga patay gutom kayo" mayabang na sabi ni Hephaestus
"Aba! Tignan mo, tatlong araw nalang expired na ang mga dala mo!" Sabi naman ni Hermes na tinitignan ang expiration date ng mga groceries na dala nito
"Kayo na nga lang ang binibigyan, umaarte pa kayo" biglang bumusangot si Hephaestus
"Magpapamisa na sana ako dahil namigay ka ng libre. Pero namigay ka iyong ikasasakit pa ng tiyan namin!?" Reklamo ni Demon
"May ospital ka naman, edi doon kayo mag pagamot" sagot ni Hephaestus
"Ako lang, bawal kayong pumasok sa ospital ko" masungit na sabi ni Demon
"Mamamatay na kami, hindi parin pwede!?" Sabay na tanong ni Hephaestus at Hermes
"Ako nga na kapatid niya, hindi niya pinapasok sa ospital niya. Ano pang ineexpect ninyo" sabat ni Hades kaya tumawa silang magkakaibigan
"Hoy!" Lahat sila ay ngumiti nang dumating si Dionysus na kasama si Iris
"Hades!" Masayang sabi ni Iris at niyakap siya
"Ehem" tumingin bigla lahat kay Hermes na biglang umubo ng malakas dahilan para mag hiwalay sila ni Iris
"Kamusta, man?" Pangangamusta ni Dionysus sakanya
BINABASA MO ANG
Mr.Coffee meets the Ms.Barista (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]
RomanceWARNING: SPG| R-18| CONTAINS MATURE CONTENT Si Lufian Hades Vasquez ay isang sikat na business man sa loob o sa labas man ng bansa. Tinagurian siyang King of Pain nang lokohin siya ng mga babaeng minamahal niya. Not until he met his Ms.Barista who c...