Chapter 14

4.1K 74 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

She intensely looked at herself in front of the mirror. Bakit siya namumula? Hindi na dapat siya magpa-uto sa mga sinasabi ni Hades. Well, isang buwan nalang naman at titigilan na siya nito kaya hahayaan niya muna ang lalaki.

Lumabas na siya mula sa banyo at umupo sa table nila ni Hades. Ngumiti siya rito at tinignan ang mga pagkain na inorder ng binata habang wala siya. Mas mabuti na ang maganda muna ang pakikitungo niya rito para sa oras na matapos ang kasunduan nila, wala itong masusumbat na anumang bagay sakanya. She knows how to play safe. She's playing in the fire safe.

"Are you free tonight?" Tanong ni Hades habang kumakain sila

"Ikakama mo ba ako? Hindi ako pwede e. May lakad kami ng mga kaibigan ko" walang prenong sabi niya

"No, yayayain sana kita mag date" napapahiyang tugon ng lalaki

"Oh, akala ko ikakama mo na naman ako. Anyway, bukas nalang free ako bukas" pambawi niya at nag-patuloy sa pagkain.

Well, hindi siya pwedeng biglaan na makipag date ngayon dahil walang mag-aalaga sa anak niya. Nakakahiya naman kay Athena kung pati ang ganoong bagay ay iaasa niya pa sakanya. Their lunch together went smooth since ang nasa isip niya ay kailangan niyang maging mabait sa lalaki.

Pagkatapos nilang kumain, hinatid na siya ni Hades. Medyo naninibago parin si Hades dahil wala na ang sweetness ni Persephone sakanya. Pero hindi naman siya titigil ng dahil lang doon. He's willing to sacrifice his dignity just to get her. Of course he's just kidding. Alam naman niyang hindi ganoong klase ng tao si Persephone kahit pa malaki ang galit nito sakanya.

Tumuloy siya sa Leopard Airlines para siguraduhin kung tinanggal na ba ng kapatid ang Hypnos na iyon. Nag park na siya sa sarili niyang parking space at sinuot ang kanyang shades bago bumaba ng kanyang kotse. Yes, kilala siya rito. Kapatid siya ni Demon kaya kilala siya, malamang.

Yumuyuko ang lahat ng makasalubong niya kapag nakikita siya. Kung si Demon lang ang nakakakita sakanila ay paniguradong sisante na ang mga ito dahil ayaw niyang masyado siya kinikilala. Walang katok-katok ay pumasok siya sa opisina ng kapatid. Naabutan niya itong nakangisi habang nakatingin sakanyang desktop.

"Hey man, what are you doing?" Pamungad niya

"I'm just checking the updates from UP" sagot ng kapatid

"UP?" Nagtataka niyang tanong

"Yes, I invested there. Nag-aral din naman tayo roon kahit papaano" tumatangong sabi nito

"May puso ka pala" pang-aasar niya

"Sa tingin mo ba makakausap mo ako ngayon kung wala akong puso?" Masungit naman na tugon ng kapatid

"Anyway, I came here to---"

"Yes he's fired" pag putol ni Demon sa sasabihin niya

"May isa pa akong request" nakangising aniya

"Medyo kumakapal na ang mukha mo alam mo ba 'yon?" Inis na sabi ni Demon

"Come on man, I'm your brother" pangongonsensya niya sa kapatid

"Fine, I'll help you. In one condition" Demon slightly grinned

"Okay, spill it" mayabang na sabi niya

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon