Chapter 16

4.2K 75 0
                                    

THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

Magilas na nag tatrabaho ngayon si Persephone dahil kailangan niya talagang bumawi sa mga empleyado niya. Late na kasi siyang pumasok dahil may nangyari ulit sakanila ni Hades kanina. Hinatid siya ng lalaki sa cafe, at hindi inaasahang may inihanda pala itong damit para sakanya. Itinabi niya pala ang mga damit na naiwan nito sa bahay niya noon.

She called Athena to check her child. Her friend told her that her child is okay and she doesn't have to worry about him. Nais niya tuloy itanong kung ayos lang bang makipag sex kahit isang buwan palang ang nakalipas mula nang nanganak siya. Pagod man dahil sa ginawa nila ni Hades, hindi niya iyon alintana dahil masaya siya sakanyang trabaho.

Ilang minuto ang lumipas, may bagong delivery ng mga bulaklak ulit. Alam niyang galing ito kay Hades dahil punong puno na naman ito ng kopiko blanca. She smiled and thanked the delivery man. Itinabi niya ang bulaklak sakanyang opisina at pinakatitigan iyon. Ano na naman kayang mayroon sa araw na ito? Since her deal with Hades began, her days aren't normal anymore. Hades spoils her with lots of surprises everyday.

"Bakit ka nakangiti? Dahil ba saakin o dahil sa nangyari saatin?" Kamuntik na niyang masapak ang nag-salita sa harapan niya nang marealize na si Hades pala iyon.

"Wala ka bang pasok? Ano na namang ginagawa mo rito?" Kunwari ay mataray niyang tanong

"Tara" tanging sagot ni Hades at hinila siya palabas. Mabuti nalang at hindi siya naka dress ngayon dahil todo makahila ang lalaki.

Nang makapasok na silang dalawa sa loob ng kotse, nag maneho na si Hades ng mabilis at nakangiti. Nagtataka niya namang tinignan si Hades na hindi parin nawawala ang ngiti sa mga labi. Tinignan naman siya ni Hades at hinalikan bigla sa pisngi. Namula siya sa mga sandaling iyon dahil hindi niya inaasahan na gagawin iyon ni Hades.

Natawa si Hades nang makitang namumula ang pisngi ng dalaga. Siguro kapag siniil niya ito ng halik ngayon baka hindi lang ang mukha niya ang mamumula. Kaagad niyang binura ang kapilyuhan sa utak niya at nag patuloy sa pagmamaneho. He's expecting Persephone to ask where are they going and it happened.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Persephone na kunot ang noo

Humarap naman siya sa babae at nag salita "Sa UP" tanging sagot niya at binuksan ang turbo mode ng kanyang kotse

"Anong gagawin natin doon?" Tanong muli ni Persephone

"Well, Demon invested there and so do I. Bago kami mag-aral sa Harvard, pinili muna naming mag UP dahil trip lang namin" pag kwento niya

"Trip? What a trip" natatawang tugon ni Persephone

"What? Ang mahalaga kahit trip trip iyon, may natutunan kami" depensa niya

"Sabi mo e" tanging sagot ni Persephone.

Dahil nga mabilis ang pagmamaneho niya, mabilis lang din silang nakarating sa destinasyon nila. Pag dating nila ay pinagtitinginan sila ng mga estudyante roon. Hinakbayan niya naman si Persephone na ngayon ay nakayuko at hindi inaalintana ang mga maiingay na mag-aaral na tumitili nang makita sila.

"When you're with Hades, don't look down. Be confident because you're with me" bulong niya sa dalaga kaya naman tumingin ito sakanya kaya kinindatan niya ito dahilan para matawa si Persephone at paluin siya ng mahina. Pabebe.

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon