THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.
THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.
ENJOY READING!
Sabado ngayon, at hindi alam ni Persephone kung bakit nalulungkot siya. Hawak niya ang kanyang anak ngayon na kasalukuyang umiiyak dahil bagong gising lang ito. Nasa garden kasi si Athena at nagbabasa ng libro. Inihele niya ang kanyang anak na unti-unting tumatahan at humihikab dahil inaawitan niya rin ito.
Oo nga pala, hindi na nga pala sila gaanong magkikita ni Hades dahil ang sabi ng binata ay dalawang linggo na masaya sila, dalawang linggong hindi na sila gaano magkikita, at isang linggong hindi na sila mag-uusap. Gusto niyang maluha dahil sa sakit na dulot ng sinabi ni Hades pero ito ang gusto niya at alam niyang hindi naman sasabihin ni Hades iyon kung hindi siya nag matigas nang una palang.
"Baby, do you want to meet your daddy soon?" Tanong niya sa natutulog na niyang anak na para bang sasagot naman ito ng matiwasay sakanya
"Kamukhang, kamukha mo ang ama mo. Pareho kayong gwapo" ngiti niya at hinalikan ng hinalikan ang anak.
Tatlong oras siyang nanatili sa loob ng silid ng kanyang anak at nakangiti lang niyang pinag mamasdan ito. Napagkasunduan nila ni Hades na magkikita sila ngayon sakanyang cafe at mag rerelax lang. Natawa siya sa naalalang salita na iyon. Relax daw, relax daw, relax daw hahaha. Tumatawa siya habang naiisip ang sinabi ni Hades. Kung narito ang kaibigan niya ay paniguradong inisip na nababaliw na siya.
Nag suot siya ng isang simpleng pantalon at black tshirt. Alam niya kasing kapag nag palda siya ay bigla na naman siyang huhubaran ni Hades ng wala man lang pasabi. Nag paalam na siya sakanyang kaibigan at hinalikan muli ang anak nitong nasa bisig niya. Natawa siya nang sipain siya ni Athena dahil hindi muna ito nag alcohol.
"Darling!" Masayang sabi ni Hades nang makita niya si Persephone na hinihintay siya sa labas ng coffee shop nito
"Good morning, ang gwapo mo naman" nakangiting bati ni Persephone habang tinatanggap ang bulaklak na ibinigay sakanya ni Hades
"Ang ganda mo" sabi niya naman at hinalikan ang dalaga
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Persephone
"Sa park" sagot ni Hades
Hindi naman kalayuan ang park na sinasabi ni Hades sakanya. Inalalayan siya pababa ng lalaki at may kinuha sandali sa compartment nito. Pag balik niya, mayroon siyang dalang sapin at basket tsaka niya ito inilatag para makaupo silang dalawa.
Pinag masdan niya ang paligid. Puro magpapamilya at magkasintahan ang mga nasa park na kagaya nilang nakaupo sa isang sapin at may dalang pagkain."I love this scenery" kumento ni Hades kaya tumango siya bilang pag sang-ayon
"Yes, that's true. Calming and perfect" sagot naman niya
Tumayo si Hades hawak ang dalawang raketa ng badminton na ngayon niya lang napansin na may dinadala siyang ganito. Tinulungan siya nitong makatayo ng maayos at pumwesto para makapag laro silang dalawa. Magaling sa ganitong larangan si Hades dahil paborito niya ito at madalas siyang makipag laro noon kay Demon.
"Hoy! Ano ba naman 'yan! Puro ka naman smash!" Reklamo ni Persephone
"Kailangan mong habulin" sagot ni Hades
BINABASA MO ANG
Mr.Coffee meets the Ms.Barista (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]
RomanceWARNING: SPG| R-18| CONTAINS MATURE CONTENT Si Lufian Hades Vasquez ay isang sikat na business man sa loob o sa labas man ng bansa. Tinagurian siyang King of Pain nang lokohin siya ng mga babaeng minamahal niya. Not until he met his Ms.Barista who c...