Chapter 15

4.3K 88 2
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!




"Delivery for Ms.Galyna Persephone Villanueva" gulat na tumingin si Persephone sa isang lalaking may hawak na bulaklak at puno ng kopiko blanca.

"Kanino galing ito?" Tanong niya

"Kay Sir Hades po, Ma'am." Sabi ng delivery man at kinuha ang papel na pinapirmahan sakanya kanina.

Pinag masdan niya naman ang bulaklak na ibinigay ni Hades. Bakit kaya wala siya ngayon? Bakit ba niya siya hinahanap!? Dapat nga mas masaya siya dahil walang Hades na mangungulit ngayon sakanya. Huminga siya ng malalim bago pumasok sa opisina niya. Nakita niyang may maliit na card ang nakalagay sa gitna ng petals ng isang rose. Kinuha niya iyon at binasa.

'Hello, mi lady.

I'm pretty sure that you're wondering why am I not around. Tama 'yan, kailangan mo pa akong mamiss bago ako magpakita sayo. Kidding aside, I'll pick you up later for dinner. Enjoy your day, don't stress yourself too much okay? By the way, Good Morning...

-Lufian Hades Handsome'

She smiled. Oo ngiti lang naman iyon, hindi naman masyadong masama ang ngumiti dahil sa isang effort dahil hindi siya bato. Pero kailangan niyang maging matatag dahil alam niyang hindi naman seryoso si Hades sakanya at sasaktan lang siya nito ng paulit-ulit at walang tigil. Three weeks nalang naman at titigilan na siya nito.

She continued doing her stuffs. Hindi niya rin alam kung kailan siya babalik sa London. Kailangan niyang asikasuhin ang lahat ng cafe niya sa iba't-ibang parte ng mundo. At muli, hindi na niya alam kung ano na naman ang susuotin niya kaya tinawagan niya si Iris para samahan siya sa mall.

"Wear this maroon dress, Persephone. Bagay sa kaputian mo. Alam mo, kapag dinner na ganyan, always wear sexy colored dress. Because men do always get attracted by the colors of our clothes and not on our clothes that we wear. Red, Maroon, and Orange are some examples of sexy and daring colors. So wear this one" saad ni Iris

"Baka mag mukha akong pokpok" natatawa niyang kumento

"Ano ka ba, pokpok ka naman talaga." Pambabara ni Iris kaya tumawa silang dalawa

"Samahan mo akong bumili ng ireregalo ko sa mga kaibigan natin. Gusto ko ng pareho tayong lahat ng sinusuot" sabi naman ni Iris kaya nag bayad na sila kaagad para makapamili.

"This one suits Athena the best! Tapos eto kay Nemesis, kay Hestia, Sa'yo, and Saakin!" Masayang turo ni Persephone sa mga sexy sleeping dress na nakita nila. Black, Green, Pink, Orange, and Red. Iyan ang mga kulay na pinili nila.

"Ikaw, magagamit mo na ang sa'yo dahil may Hades ka. Samantalang kami, wala." Nakasimangot na sabi ni Iris

"Hindi naman ako sigurado kay Hades. He's not even saying the magic words" sagot niya naman

"Oh well, let him. Mukhang si Hestia ang mayroon na rin soon. Si Nemesis naman, isang ghoster. Ako naman, wala talaga" saad ng kaibigan

"Sus, ikaw? Ang dami mong manliligaw, Iris. Nakita pa nga kitang may kausap sa telepono mo noong isang araw" panunukso niya

"Well, hayaan na natin! Tara na, tumuloy na tayo sa bahay ni Athena para maayusan ka. Malapit na mag dinner" pag-iiba ni Iris sa usapan na kasalukuyang namumula ngayon.

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon