Chapter 22

3.5K 78 1
                                    


THIS STORY CONTAINS MATURE CONTENT. READERS BELOW 18 ARE STRICTLY PROHIBITED.

KUNG AYAW NIYO MAKINIG, BAHALA KAYO.

THIS STORY IS STILL UNDER EDITING SO KUNG MAY MABASA MAN KAYONG TYPOGRAPHICAL ERRORS O GRAMMATICALLY INCORRECT MAN AKO, I'LL EDIT IT SOON AS I FINISH WRITING THESE SERIES.

ENJOY READING!

"Persephone, get inside my car" seryosong sabi ni Athena sakanya na kadarating lang ngayon sa cafe niya

"Why?" Tanong niya

"Just get inside my damn car!" Napalakas bigla ang pagkakasabi niyon ni Athena kaya napakurap siya at gulat na hinarap ang kaibigan "I'm sorry, I'm just stressed out" paumanhin ni Athena sakanya.

Hinawakan niya ang kamay ni Athena at sabay silang lumabas sa café dahilan para kumalma silang pareho. Hindi na siya nag salita pang muli nang seryosong nag drive si Athena patungo sa hindi niya alam kung saan. Nang makita niya ang daan na tinatahak nila ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso

"Saan tayo pupunta? Bakit tayo papunta sa Leopard Airlines?" Tanong niya kay Athena

"Basta" tanging sagot ni Athena kaya bumuntong hininga nalang siya.

Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang upuan nang biglang mag drift si Athena at pinaharurot ang kotse papunta sa private chamber nito. Para siyang mamamatay sa ginawa ng kaibigan na wala naman kaemo-emosyon ngayon.

"Get out" sabi ni Athena kaya mabilis niya itong sinunod

Pagbaba niya ng kotse, nakita niya ang eroplanong nag hihintay sakanila. Babalik na ba sila sa London? Kinabahan siya nang nag lakad siya palapit na siya sa eroplano pero nagulat siya nang makitang bumukas ang pintuan nito at iniluwal nito ang bunso niyang kapatid na si Luna

"Ate!!!!" Masayang sigaw ng kanyang kapatid at niyakap siya

"Surprise!!!!" Sigaw ng buong pamilya niya

"Anong ginagawa niyo rito?" Gulat na tanong niya

"Wala man lang 'I miss you all!' Parang unang kita mo palang saamin, gusto mo na kaming pabalikin sa greece, ah" sabi naman ng pangalawa niyang kapatid na si Jaden

"Namiss ko kayo pero bakit bigla kayong umuwi ng walang pasabi?" Sagot niya naman

"Edi kapag sinabi namin hindi na surprise" sagot ng tatay niya

"Oh dad, come on! I'm too old for those surprises" ngisi niya

"Matanda na rin kami pero nasurprise mo kami nang nabuntis ka pero wala kang ipinapakilalang asawa mo saamin" sabi ng nanay niya kaya natahimik siya bigla.

"Sa bahay na ho tayo mag kwentuhan, kailangan na pong bumalik sa London ng piloto ko" pakikisali ni Athena sakanilang usapan kaya nakinig ang lahat sakanya at sumakay na sa van na binili ni Athena para sakanila

-----------------------------

"Athena! Hindi mo man lang sinabi na ganito palang kagara ang bahay mo" namamanghang sabi ng Ama ni Persephone habang inililibot ang kanyang paningin sa buong kabahayan ng dalaga"

"Nasaan ang anak mo?" Tanong naman ng Mama niya na kanina pa sabik na sabik makita ang kanyang apo

Tinulungan niya papunta sa kwarto ni Benjamin ang pamilya niya na ngayo'y pormal na kung umasta. Kahit pa pormal kunwari ang mga ito,  alam ni Persephone na mayroon paring pagkamangha sa isipan nilang lahat. Binuksan niya ang pinto ng silid na siyang naging hudyat para makapasok ang mag-anak.
Maluha-luhang pinagmamasdan ng kanyang ina si Benjamin pero hindi nito nahalikan ang apo dahil binawalan sila ni Athena.

Mr.Coffee meets the Ms.Barista  (Chicos Malos Series #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon