Chapter Twenty-Four

1.7K 54 3
                                    

1 YEAR LATER....

[LANCASTER]

Nakatulalang tumatakbo naman ako sa treadmill na nandito sa gym, my mind is just wandering about the events last year.

After Andrea's departure, let's say that my life became a mess.

Naging laman ako ng bar for two months and apparently the twins stopped me kaya nag-focus na lang ako sa business ko at mas lalong pina-unlad iyon.

Hindi na nasundan ang sulat na ipinadala ni Andrea pero noong nakaraang araw may envelope na naman akong natanggap and this time, it was a polaroid pictures of her at may singsing na nasa loob noon.

May note pa nga na nandoon saying that I should wear it.

At sa nagdaan na mga buwan, marami ng nangyari sa buhay ko.

Naging parte na rin ako ng organisasyon at nasubukan na din sumabak sa mga laban pero isang beses lang iyon.

Kasi halos magka-atake sa puso si Jared noong malaman niya iyon, I can still remember how she shout at her husband kasi pati siya ay sumama.

I mean, napag-tripan lang naman iyon kasama si Zaim at ang kambal niya na si Spade at maliit na headquarters lang naman ang sinugod namin doon.

"Hi." I glanced at the woman who stepped into the treadmill beside me. "Bago ka lang dito?" She asked.

Hindi naman ako nag-abalang tignan siya, I know that she is trying to flirt.

"Yeah, just visiting." I muttered.

"I'm Shaina, how about you?" She asked.

"I'm..." I said saka ipinakita ang singsing. "Taken." Pagpatuloy ko at saka inihinto ang treadmill at umalis doon.

Iritadong binuksan ko ang locker room para sa boys at dumiretso sa shower room.

Many girls trying to flirt with me pero tumatanggi ako.

Si Andrea lang talaga ang makakapag-patibok sa puso ko, wala ng iba.

I remember when Spade trying to set me up, halos bugbugin ko siya noon kung hindi lang ako inawat ni Zaim.

I let out a sigh at saka itinapis sa pang-ibaba ng bahagi ng katawan ko nang matapos na akong maligo.

Lumabas naman ako ng shower stall at dumiretso sa locker kung saan nandoon ang bagong damit ko. After this didiretso na ako sa office, for sure tambak na naman ang trabaho ko.

"Hindi mo ba type ang babae na yon?" Napapitlag naman ako ng biglang may magsalita, tumingin naman ako sa lalaki.

Nasa pinto siya at nakasandal sa doorframe, medyo may katandaan na ito at naka-suit.

Is he some sort of business man?

"Ako po ba ang kausap niyo?" I asked.

"Yeah." Sagot niya. "That woman awhile ago, she's a beauty." He said and I smirked.

"I know, but I'm taken." I said.

"Really? who is she?" He asked.

Napahinto naman ako sa pagkuha ng damit ko at tumingin sa kanya.

"Her name is Andrea and I love her so much."

Tumango-tango naman ito, hindi ko na siya pinansin at nagsimula ng magbihis.

"Here." He said, isinara ko naman ang zipper ng pantalon ko at kinuha ang ibinigay niya sa akinh envelope.

Pamilyar ang design ng envelope na iyon, hindi ko lang alam kung saan ko iyon nakita.

"Uhm...who are you?" I asked and he smirked.

"I'm Alexei Smirnov." Pagpapakilala nito and my eyes widened.

"S-sir.."

"Calm down boy." Natatawang sabi nito sa akin. "I'm sorry this is the most inappropriate time to visit you but I need to get going." He explained.

"What are you doing here Sir?" I asked.

"I am here to end Andrea's suffering." He said.

"May nangyari po ba sa kanya?" I asked pero umiling naman ito at doon ay nakahinga ako ng maluwag.

"I mean, wala naman sigurong ama ang gustong nakikitang malungkot ang anak niya hindi ba?" He asked at bakas naman sa salita niya ang Russian accent. "Sa loob niyan ay ang address kung nasaan ang pinakamamahal mo. Come as soon as possible okay?" He said.

Kaagad naman na binuksan ko ang envelope na iyon at tinignan ang address na nandoon.

"Hinihintay ka na niya." Ani nito bago umalis at iniwan ako doon. Habang ako ay nakatulala pa rin sa binigay niya sa akin.

May ID na nandoon, isang invitation at ang address nga kung nasaan ngayon si Andrea.

"Sir? male-late na po kayo sa unang meeting niyo." Rinig ko na sabi ni Kenneth na dumating na pala.

"Ilan ang meetings ko ngayong araw?" I asked.

"Dalawa lang po, bakit?" He asked.

"Cancel all of that at tawagan mo si Jared, sabihin mo pupunta ako sa HQ." Utos ko.

"O-okay Sir..." He said at saka sinunod naman ang utos habang ako ay nagmamadaling ipinagpatuloy ang pagbibihis.

Fuck, totoo ba lahat ng ito? kung panaginip lang ito ayoko ng magising.

.


.



.

"Really? Alexei is here?" Jared asked and I nodded. "Bakit hindi ko alam? akala ko pa naman close na kami." She said at sumimangot naman ito.

"I don't know, nagulat na nga lang ako at nandoon siya sa pinto ng locker room sa gym. Akala ko naman kung sino."

"Anong sabi niya sayo?" She asked and I smiled.

"Alam ko na kung nasaan si Andrea." I informed and her eyes widened.

"Really?" She asked and I nodded, she squeals at pumalakpak na parang sea lion. "I'm so happy for you finally!" She said.

"And I am happy too." I said. "Mamaya na ang alis ko, can you take over my company for a month? hindi ko kasi alam kung kailan ang balik ko." I requested.

"Yun lang ba? I'll handle it. Sige na at puntahan mo na yang forever mo, imbitahan mo ko sa kasal ah!" She said and I chuckled.

"Sana payagan ako ni Mr. Smirnov, he looks cheerful but I know that he is deadly." I said and she laughed.

"Oh trust me, he is like a father to me." She said.

"Sige, dumaan lang talag ako dito para magpaalam baka kasi atakihin ka na naman sa puso sa sobrang nerbyos." Pang-aasar ko.

"Hindi ko pa pinapalampas yon ha." Pahabol nito bago ako tuluyang umalis.

Nakangiting sumakay naman ako sa kotse and Kenneth drive it for me.

"I'll be MIA for month, si Ma'am Jared mo muna ang mamamahala sa kumpanya. Do whatever she wants you to do okay?" I asked.

"Of course Sir. Magi-ingat po kayo." He said and I smiled.

"Thank you." I said.

Tinignan ko naman ang polaroid pictures that Andrea sent me and I smiled.

Wait for me Andrea, I am coming and we will see each other again.


XxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxX

His Series #10: Lancaster PascalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon