[ANDREA]
Awhile ago...
Kumunot naman ang noo ko ng may mag-doorbell, wala bang susi ang lalaking iyon kaya nagdo-doorbell siya?
Naiinis na binuksan ko ang pinto at napahinto naman ako ng makitang si Tita Mandy iyon at si Jared.
"Hey gurl! tara na!" Jared said
"Wait, pasaan tayo?" I asked.
"I told you na magpapa-inom si Celeste diba? tara na dali!" She said as she pulled me.
Wala naman akong nagawa at nagpahila naman ako sa kanya, si Tita Mandy na ang nagsara ng gate.
"Wait, baka magalit si Aster." I said and she smirked.
"I am her superior don't worry." Jared answered at saka pinaharurot na nito ang kotse paalis.
Ilang minuto lang ang itinagal ng biyahe at nakarating din kami sa isang bar, pagkababa namin ay may mga kababaihan din na bumaba sa katabing kotse.
"Michelle!" Pagtawag ni Jared at nagtititili itong yumakap sa isa sa babaeng kakababa lang sa kotse.
"Queen Harriet! you are here!" Jared said at bahagyang nag-bow, kumunot naman ang noo ko. What? a Queen?
"Cut the Queen, Harriet na lang." Malumanay na tugon nito, dumako naman ang tingin niya sa akin and she smiled at saka lumapit sa akin. "Sino naman ang batang ito? ang cute niya. Anak mo Mandy?" Tanong nito at natawa naman si Tita Mandy sa sinabi niya.
"Nope your highness, siya ang fiancé ng anak ko. Queen Harriet meet Andrea, Andrea this is Queen Harriet of Thunycea." Pagpapakilala ni Tita Mandy and my eyes widened.
"Y-your highness." Bati ko at natawa naman siya doon.
"Just Harriet okay? Myghod, feeling ko nasa Thunycea pa rin ako." She said. "Napaka-cute mo ang sarap mong iuwi." Nanggigigil na sambit nito.
"I'm afraid that Lancaster will go crazy kapag nangyari iyon." Jared said and Harriet chuckled.
"Tara na at pumasok sa loob hinihintay na ako ng alak." Pag-aya naman ni Michelle at sabay-sabay naman kaming pumasok sa loob.
Malakas na tunog ang pumainlanlang sa paligid may mga taong nagsasayaw sa dancefloor at may DJ doon na siyang nagpe-play ng mga kanta.
Umakyat naman kami sa second floor ng bar at binuksan ang isang pinto doon, sa loob noon ay may apat na babae.
"Andrea? you are here?" She asked at binati ko naman ito. "C'mon Jared you can't be serious, kilala mo si Lancaster." Amy said.
"Amy, I'm a grown woman. Hayaan mo yung isang yon." I said at agad na nag-'oooh' ang ilang babae doon.
Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pa pala sila kilala.
"Oh before everything else, magpakilala muna kayo sa bata dali." Jared said.
"Hi, I'm Michelle, Darwin Harrison's wife." Pagpapakilala naman ng babaeng niyakap ni Jared kanina.
"Hi! I'm Caroline asawa ni Blaze, I'm a psychiatrist."
"Walang nagtatanong gurl." Pambabara naman ng isa. Caroline just slap her arm at natawa naman siya doon. "I'm Addison, Zaim's wife." She said.
She looks familiar, feeling ko nakita ko na siya dati.
"Hi! I'm Sabrina Walker, asawa ng kamukha ni Lee Dong Wook. Liam Walker." She said energetically at natawa naman ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
His Series #10: Lancaster Pascal
RomanceSecret should remains secret. But not for Lancaster. He can see someones aura, he can see if you are good or bad. But when Andrea came, he started to question his abilities. He can see her aura and it was all black, meaning she has a lot of secret a...