Chapter 1

18.1K 429 17
                                    

Napaiyak sa galit si Safhire nang marinig ang resulta ng initial investigation report ng PBI. Iniimbistagahan ng ahensiya ang tungkol sa pagkamatay ng fiance niyang si Ray. Tama nga ang kutob niya. Hindi aksidente ang nangyari. Sinadyang patayin ang binata. Binangga ang sasakyan nito kaya nahulog sa bangin.

"Don't worry Ma'am, gagawa kami nang mas malalim na imbestigasyon tungkol dito," sabi ng agent na kausap ng dalaga.

"Pupunta ako sa lugar kung saan nangyari ang aksidente," deklarasyon niya.

"Pero Ma'am, ang lugar na iyon ay restricted."

"Gusto ko lang makita ang location. Sana maintindihan ninyo," sabi niyang muling nanlabo ang paningin dahil sa mga luhang nagbabantang bumukal.

Bibigyan niya ng hustisya ang nangyari kay Ray, kahit hindi niya alam kung paano gagawin iyon sa ngayon. Pero hindi siya papayag na basta na lamang makawawala ang kriminal.

"Why don't you her her check the area? There must be something in there that she will find useful for the case." Umagaw ang swabeng tinig sa may bungad ng pintuan.

Lumingon si Safhire at nasumpungan ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto. Matagal siyang napatitig dito.

He is tall. Six feet more or less. Physically well-built and very, very attractive. A celebrity, she thought, can't help admiring his arresting looks.

"Hi!" bati nito sa kanya at humakbang papalapit.

Tumayo mula sa inuupuang swivel chair ang kausap niyang agent at sinalubong ang lalaki. Nakita niyang nagkamay ang dalawa.

The intimidating authority coming from is soaring all around the four corners of the room.

"Kumusta," sabi nitong sa kaniya pa rin nakatingin.

"Mabuti, I'm glad you're back," sagot ng agent at bumaling sa kanya. "Ms. Safhire Magdalene, I want you to meet PBI Special Agent Vhendice Queruben."

Tinuyo niya ang mga luha at tumayo. "Hello! I'm Safhire Magdalene," nagpakilala siya.

Naglahad ito ng kamay sa kanya. "Pleasure to meet you, Ms. Magdalene."

Ibinigay niya rito ang kanyang palad na agad nitong hinawakan. He squeezed her hand gently as if trying to make her feel better.

"I've heard about your fiancé." Binitiwan nito ang kamay niya. "My condolences."

"Thank you," tanging naitugon niya. Muling sinundot ang dibdib ng matinding kirot at pangungulila.

"I'd like to help with the investigation as well, if that's okay with you," alok nito.

"You can count on him. He's one of our best agents," sabat ng PBI officer.

"Thank you," sabi niyang pilit na ngumiti nang tipid.

Kahit papaano nagkaroon siya ng pag-asa. Hindi mababalewala ang pagkamatay ni Ray. Hindi siya titigil hangga't hindi niya naihahabla sa hukuman ang maysala at mapapatawan ng karapat-dapat na parusa.

***

Nakaplano na ang mga susunod na gagawin ni Safhire. Magre-resign siya sa kanyang trabaho. Nurse siya sa isang malaking hospital. Halos isang taon pa lamang siya roon.

Noong nakaraang taon ay sa Bacolod siya nagtrabaho. Hindi niya alam kung bakit pero hindi sila napipirmi ni Ray nang matagal sa isang lugar kahit pa noong nag-aaral siya ng college. Palipat-lipat sila dahil sa trabaho ni Ray. Consultant kasi ito sa isang malaking real estate company rito sa bansa.

Pagkauwi ng apartment ay nagpahinga muna siya. Inabot ng dalaga ang naka-frame na picture nila nang yumaong nobyo. Kuha iyon noong engagement nila.

Naiiyak na hinaplos niya ang nakangiting lalaki sa larawan. Ito lang ang mayroon siya. Mula nang mamatay ang kinilala niyang magulang noong first year college siya ay si Ray na ang nag-aalaga sa kanya. Maliban sa Mama Rosa niya tanging si Ray lang ang nakasama niya. But now, he's gone. Wala nang natira sa kanya.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon