Chapter 56

3.3K 168 3
                                    

TAAS-NOONG sinasabayan ni Safhire ang bawat paghakbang ni Athrun papasok ng council hall kasama ang limang commanders ng Nephilims. Hindi pinansin ng dalaga ang disgusto ng aura na mabilis na umaangat sa ere. Mahigpit na hawak ni Athrun ang kamay niya. Wala itong balak na pakawalan siya anuman ang mangyari. Sapat na iyon upang manatili siyang matatag sa tabi nito hanggang sa katapusan.

Hinatid siya ng binata sa naka-reserbang upuan para sa kanya na malapit lamang dito. Makaraan ang ilang saglit ay pormal nang binuksan ang meeting.

"Before we proceed to the main agenda of this meeting, the chairman would like to make an important announcement," pahayag ng secretary general.

"Thank you," Tumayo si Athrun. He looked at her a gentle smile on his lips and stretch out his hand.

Ngumiti siya at agad na tumayo. Lumapit sa binata nang walang pag-aalinlangan. Humawak siya sa kamay nito.

"Supreme Council of Andomida Conglomerate, I would like to announce my engagement to this lovely lady, Ms. Safhire Magdalene. We are getting married in less than a month from now." Anunsiyo ni Athrun.

"Wait!" Tumayo si Vhendice sa upuan nito. "Less than a month? Are you serious?"

Umugong ang bulungan sa buong council hall. Bulungan na maituturing bagamat mistulang matutulis na ingay ng kuliglig sa gabi na nakabibingi.

"Yes, in less than a month." Athrun re-affirmed.

"Mawalang-galang na, chairman," may nagsalita mula sa council. Ang isa sa mga eldest member na nagmumula sa sariling angkan ni Athrun. "Hindi naman sa tutol kami sa babaeng iyan para sa iyo, ngunit alam mo ang tradisyon na dapat mong sundin."

"I know." Kalmadong hinarap ito ng binata. "I need to choose a bride from the lineage of this council. However, don't you think isn't it time for a change? I mean, it's about time for us to move forward instead of dwelling in an outdated tradition from the past. Besides, according to my personal study, there has been no major contribution to the record of financial progress in the history of Andromida Conglomerate pertaining to this one. Meaning, marrying someone from the council's line appears to be, pardon if I put it this way...useless, and was merely political. It has nothing to do with the future of this business empire. Therefore, I don't see any reason why this tradition has to exist in the whole structure."

"Naintindihan namin ang nais mong iparating, chairman. Ngunit, hindi mo pwedeng baguhin nang ganoon lamang kadali ang isang tradisyon na sinusunod ng iyong mga predecessor mula pa noon."

"Hindi ko babaguhin ang tradisyon, aalisin ko ito sa sistema. Although I am very much aware that I can't get it done my own way. Gagawin natin ito sa paraang nakasanayan ninyong lahat. Isang bagay lamang ang gusto kong maunawaan ninyo. Bilang chairman, hindi ko inisip na wala pala akong karapatang pumili ng babaeng mamahalin at makakasama ko habang buhay. Ngayon, kung sasabihin ninyo sa akin na wala akong karapatan para sa bagay na iyon, then right here and now I would step down from my post as your leader." Matatag at puno ng determinasyong pahayag ni Athrun.

"You can't do this to us, chairman!" Masidhi ang naging tugon ng council.

"I assure you, I can and I will." Pumihit ang binata at bumaling kay Vhendice. "Take over, Queruben, for the votation process."

Hindi kumibo si Vhendice na napapailing lamang.

"Chairman, may I suggest that we will have a formal deliberation on this so the council could at least talk it over before we proceed to the votation process? I hope you agree with me. Hindi ito isang bagay na pwede nating madaliin." Mula sa upuan nito ay nagsalita si Gabrylle at umani ng pagsang-ayon sa karamihan ng council.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon