Chapter 13

3.5K 182 6
                                    

DAKONG alas-tres ng hapon ay bumaba si Safhire para maghanda ng snacks. Inabutan niya sa sala si Vhendice na nakahiga sa mahabang sofa at natutulog. Habang nakabukas ang tv at ipinapalabas ng live ang laro ng US versus Germany sa American Footbal League. Dinampot ng dalaga ang remote control na nasa ibabaw ng centerpiece at pinatay ang tv. Saglit siyang nahinto nang makita ang newspaper na nakapatong sa dibdib nito. He must have read it.

Nagsikip ang dibdib niya. Hindi pa rin siya nakabawi dahil sa nalaman. Hirap siyang maniwala kahit nakabandera na sa harap niya ang katotohanan. Bakit ba siya nasasaktan? Bakit kumikirot ang puso niya? Bakit ba naging si Athrun pa?

Pumihit siya at nagtungo ng kusina. Kanina pa niya napansin na wala si Eddie. Umalis kaya ito? Kasalo pa nila ito kanina sa tanghalian. Kinuha ng dalaga ang apron sa sabitan sa gilid ng fridge at isinuot. Nilabas niya mula sa refrigerator ang food container, laman ang mga binalatang saging. Isinalang niya sa stove ang frying pan at binuhusan ng edible oil. Nilakasan niya ng kunti ang apoy. Nang kumulo ang mantika'y nilagay niya ang pulang asukal at isinunod ang mga saging. Pagkaluto ay hinain niya sa babasaging round plate ang piniritong saging at tinakpan ng food cover sa mesa saka gumawa siya ng fruit shake.

Tulog pa rin si Vhendice nang balikan niya sa sala dala ang aluminum tray, laman ang hinanda niyang meryinda. Nilapag niya sa centerpiece ang tray at nilapitan ang binata. Ngayon lang niya ito napagmamasdan ng malaya sa malapitan.

He is such a good-looking man. Ang hahaba ng mga pilik-mata. Those accentuate the beauty of his eyes. Plus the thick eyebrows adding his vigorous appeal. Ang matangos na ilong na parang sinusukat. Mga labing hinahasa ng maraming karanasan na kung ngumiti ay parating nang-aakit.

Banayad niyang hinaplos ng daliri ang mga kilay nito, ang mga mata, ang ilong...

"Kasalanan sa batas ang manghipo ng lalaking tulog." Bigla itong nagsalita at dumilat ang isang mata. Ngumisi.

Natilihan siya at sa sobrang gulat ay nahampas ito.

"Hey! Sobra ka na." Angal nitong bumangon. Hinihimas ang pisngi. "Ang sakit,ah!"

Tumalikod siya. Namumula ang pisngi. "Tama lang 'yan, niloko mo ako! Gising ka naman pala." Kastigo niya rito.

"Ginising mo ako." Akusasyon nito.

"Alas-kwatro na." Iningusan niya ito. "Tuturuan mo pa akong bumaril."

"Oo na. Ano iyan?" Natuon ang paningin nito sa pritong saging at fruit shake.

"Snacks niyo po, sir. Para may energy kayo." Patutsada niya.

"Mukhang masarap, ah!"

Tinusok niya ng tinidor ang saging at ibinigay sa binata. Nagsalin din siya ng fruit shake sa baso.

"Why are you so eager to learn? Gun is not your thing," he suddenly asked. "Ito na lang ang hawakan mo at paputukin." Itinuro nito ang pundilyo sabay tawa.

Napamulagat siya. "Pervert!" Namumula ang pisnging binato niya ito sa hawak na tinidor.

Sinalo nito ang tinidor at lalong napatawa.

Kumuha siya ng isa pang tinidor at tinusok ang saging. "Ayaw kong makaabala ng sinuman para protektahan ako." Naupo siya sa single set. "When the situation gets worst, using gun would be an advantage for me."

"Make sense." Tinitigan siya nito ng matiim habang kumakain ito ng saging. Malapit na nitong maubos ang ibinigay niyang isang piraso.

"Bakit?" tanong niyang naiilang.

"You're beautiful," anito.

Umirap siya. "Sus! Matagal ko ng alam iyan."

He laughed again. "Ang gusto kong sabihin, sa ganda mong iyan kayang-kaya mong mapaibig ang isang Andromida kung gugustuhin mo."

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon