Chapter 8

4.2K 203 5
                                    

KINABUKASAN, pagkatapos ng breakfast ay nagpaalam na agad si Vhendice. Bago umalis ay may inabot ito kay Safhire. Isang floppy disk.

"Pumunta ka ng police headquarters. Hanapin mo si Rajive Arkanghel at ibigay mo 'yan sa kanya. Tandaan mo, sa kanya lang." Mahigpit nitong bilin.

Tumango siya. "Anong oras ka uuwi?"

"Hindi ko alam."

"Hihintayin ba kita sa dinner?"

"I can't promise but I'll try."

"Sige. Goodluck at mag-iingat ka."

He nodded. "You too. See you when I get back."

Hinatid niya ang lalaki hanggang sa may driveway. Bumalik siya sa kanyang kwarto at naghanda na ring umalis. Dumating siya sa police station ng pasado alas-nueve. Tumuloy siya sa information desk.

"Good morning," bati niya sa babaeng police na naroon.

"Good morning, ma'am. May I help you?" tanong nito nakangiti.

"I'm here to see Mr. Rajive Arkanghel," sabi niyang nahawa na rin sa magandang ngiti ng police woman.

"May appointment po ba kayo?"

Appointment? Kailangan pa pala niyang mag-book ng appointment?Pero walang sinabi si Vhendice. Ang lalaking iyon talaga...!

"I think my husband was really the one having this appointment but he ran into some urgent business this morning that's why he asked me to come here instead and meet Mr.Arkanghel." Sinubukan niyang magpaliwanag. Sandali nga! Bakit ba kailangan niya ng appointment gayong police station naman iyon? This place is really weird.

"Your husband? Pwede ko po bang malaman kung anong pangalan, ma'am. Para ma-check ko po dito sa log-book."

"Atty. Vhendice Queruben."

"So, you're the wife of Atty.Vhendice Queruben," may nagsalita buhat sa likod niya. Boses-lalaki.

"Sir...!" Tumayo ang babaeng police at sumaludo.

"It's okay, I'm expecting her."

Based on the policewoman's reaction she bet the person talking behind her is a high-ranking official. Could it be? She instantly turned around.

"Mrs. Queruben, right?"

Napakurap siya. "Yes!"

"Rajive Arkanghel," naglahad ito ng kamay. "It's nice to meet you."

"Same here," ibinigay niya rito ang palad at nakipagkamay. "I have something for you from my husband."

Tumango ito. Binitiwan ang kamay niya. "Please follow me." Nagpatiuna ito patungo sa loob ng opisina.

Sumunod siya matapos pasalamatan ang police woman.

"Have a seat," anito mula sa likod ng massive desk. May sinilip ito sa computer at iilang papers na nasa desk. Pagkuwa'y pinindot nito ang inter-com at nagsalita. "Jane, two coffee please."

Naupo siya sa mahabang sofa. May newspapers sa center table. Kumuha siya ng isa at sinilip ang mga balita. Nakabandera sa front page ng pahayagan ang magandang mukha ni Jenni May Amores. Ayon sa caption sa ibaba, the picture was taken from her grand betrothal to Haydees Andromida, three months ago.

Binasa niya ang column sa gilid. Binabanggit doon ang tight schedule ng singer. May mga nakahilerang concert ito sa loob at labas ng bansa, endorsements at pictorials. Pero gusto raw nitong pagtuunan ng pansin ang preparations para sa nalalapit nitong kasal kay Haydees.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon