Chapter 37

2.8K 144 5
                                    

ALAS-DIYES na ng gabi pero ayaw dalawin ng antok si Safhire. Nawili siya sa panonood sa late broadcast ng concert ni Jenni May Amores sa Araneta Coliseum. Hindi pa nag-uumpisa ang concert. Ipinalabas muna ang mga paghahandang ginawa ng singer at ang mga pictorials nito para sa promotion ng concert. Parati itong dinudumog ng media at mga tagahanga sa bawat lugar na pinupuntahan. Mabuti na lamang at nasa tabi nito palagi ang guwapong bodyguard nito na tila isang matibay na bakod na nagtatanggol sa babae kaya walang sinumang nakakalusot. Pero nai-intriga siya sa lalaking iyon. May pakiramdam siyang nakita na niya ito minsan. Pamilyar sa kanya ang tindig nito at may naalala siya sa mukha nito. Saan nga ba niya ito nakita?

Nag-isip si Safhire. At nang walang mahagilap sa utak ay tinawag ng dalaga si Vhendice na nagbabasa ng iilan sa mga collection ni Ray ng car magazines.

"What is it?" Lumapit sa kanya ang lalaki.

"Siguradong kilala mo ang bodyguard ni Jenni May. Sino siya?" Usisa niya.

"Bakit bigla kang naging interesado sa kanya?" sinagot siya ni Vhendice ng tanong.

"Curious lang ako. Feeling ko nakita ko na siya. Hindi ko lang matandaan kung saan. Nephilim member din siya di ba?"

"Smart lady," nakangiting komento nito na hinahagod ang buhok niya. "Yes, he is one of us. His name is Rheeva. The commander of Guardians Square."

"Nakita ko na ba siya?"

Tumango ang binata. "Doon sa restaurant, noong papunta tayo ng La Salvacion."

Nag-flash sa utak niya ang alaala noong araw na iyon. "Yeah, I remember. Siya 'yong hinihintay ni Jenni na sabi mo si Haydees at paniwalang-paniwala naman ako." Iningusan niya ang binata. "Coincidence lang ba na naroon sila o hinintay nila tayo?"

"It was clearly a coincidence. Rheeva was on his way to visit the chairman at that time. Sumama sa kanya si Jenni."

Muli niyang ibinaling ang paningin sa palabas sa tv. Naupo sa tabi niya si Vhendice at nakinood na rin. Mag-uumpisa na ang concert."

"Last week lang ang concert na iyan, di ba? Pumunta ka ba?" tanong niya sa lalaki.

"No. I was very busy dealing with the resistance in Edena."

"Iyon ba 'yong sinabi mo sa akin minsan na parang rebellion?"

Tumango ito.

"Bakit may ganoon? Ayaw ba nila kay Athrun?"

"It's not like that. It's more about resisting Andromida's total domination over their companies. Sad to say, fighting Athrun is useless. It is his right to claim what is rightfully belong to him. Wala siyang inagaw na kahit ano."

Natigil sila sa pag-uusap nang magsimulang umawit si Jenni May Amores. Napakaganda ng singer sa suot nitong golden evening gown at ang malamyos nitong boses ay nakapagpapadama sa kanya ng kilabot. Ano kaya kung naroon siya sa concert na iyon? Baka himatayin siya. Sinulyapan niya si Vhendice. Nakatutok din ang paningin ng lalaki kay Jenni May. He must be very proud of her.

"Kailan nga pala ang eksaktong date ng kasal ninyo?" Pukaw niya rito.

Binawi nito ang mga mata at tumingin sa kanya. "There will be no wedding because I was planning to break-up with her."

Nagulantang siya. "What? But why?"

Tumayo ang binata. "I don't love her. I'm in love with someone else." Kumuha ito ng isang rose mula sa flower vase.

She froze when he knelt down with one knee bent on the floor carpet in front of her. "And that someone is you, Safhire." Ibinigay nito sa kanya ang rosas.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon