Chapter 25

3.2K 155 14
                                    

MAGKAKASUNOD lamang na dumating sa peak ng Mt. Melendres sina Vhendice at Ray. Tulad ng napagkasunduan pagpatak ng alas-siete ay gagawin nila ang race. 

"Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung ano ang sudden death match?" tanong ni Vhendice.

"There's no need for that. Kahit hindi ako professional racer sa mountain pass, naiintindihan ko naman kung ano iyan."

"Alright, let's start in three minutes."

"Vhendice, will you give me a favor?"

"Like what?"

Hinugot ni Ray ang wallet at kinuha sa loob ang isang picture. Ibinigay kay Vhendice. "She is my fiancée. Safhire Magdalene. If anything bad will happen to me in this race, I want you to protect her. I'm sending into your e-mail some of the relevant accounts about her personal background."

"Why me?"

"Sa iyo ko lang siya pwedeng ipagkatiwala."

"Are you planning to lose this match? Huwag kang magkakamali. Sinabi ko na sa iyo, kapag sinadya mong magpatalo, may kalalagyan ka sa akin."

"Ang bilis gumana ng utak mo. I said just in case."

"You certainly didn't say that."

"Now you heard me say it. Shall we start?" Kumilos si Ray at bumalik sa kinaroroonan ng sasakyan nito.

Nagtagis ng bagang si Vhendice. Masama ang kutob niya. May binabalak si Ray pero hindi niya mahulaan kung ano iyon.

Nag-umpisa ang downhill race. Pinili ni Ray na maging chaser kaya si Vhendice ang nauuna. Sa first half ng race ay hindi magkakalayo ang agwat nila. Nararamdaman ni Vhendice ang pressure mula sa kanyang likuran. Kung mawawala siya sa focus, tiyak mauunahan siya ni Ray at iyon na ang katapusan ng laban. Kailangang consistent ang bilis ng kanyang sasakyan.

Sumulyap siya sa rear view mirror. Ray is on his tail. The guy is certainly fast and tough. Isa nga itong tunay na Andromida. May likas na husay sa lahat ng bagay gaya ng chairman at ng ama nito. Nasa second half na sila ng race at papasok sa C 21 nang biglang naglaho sa likuran niya ang sasakyan ni Ray. Nagulat na lamang siya nang mapansin na pumapantay na iyon sa kanya. Balak yata nitong mag-over take mula sa loob.

Nag-drift siya para sarhan ang daraanan nito. Sa kanyang pagkagimbal ay tumuloy ang sasakyan nito sa guardrail, tumagos patungo sa talampas at nagtuloy-tuloy hanggang sa ibaba. Sigurado siyang hindi naman ito nawawalan ng break. Mariing inapakan niya ang preno at mabilis na bumaba ng sasakyan. Nagmamadaling nilapitan niya ang nasirang guardrail.

"Rayden...!!!" Dumungaw siya sa ibaba ng talampas. Mula sa mapanglaw na liwanag na hatid ng poste ng ilaw ay natanaw niyang lumabas mula sa bumaliktad na sasakyan si Ray. Kumaway ito sa kanya at nagsimulang umakyat pabalik sa kanyang kinaroroonan.

"Are you alright?" usisa niya sa lalaki.

Tumango ito. "I missed the timing," anitong humugot ng panyo mula sa bulsa ng pantalon. May sugat ito sa ulo, sa leeg at braso na marahil ay tinamaan ng basag na windshield. Dumudugo ang mga iyon pero hindi naman mukhang malubha.

"Anong nangyari? Nawalan ka ba ng break?"

"Mabilis ang takbo ko. Hindi na ako nakabawi."

"That was suicide."

"Even so, I tried my best to win. Now, you can't say I lose on purpose."

Hindi ganito ang ending na gusto niyang mangyari. "Are you sure you're alright?" Pagtitiyak niya.

Sarcastic na ngumiti si Ray. "Ano sa tingin mo? Nahulog ako sa talampas, nauntog ang ulo ko, may pilay ang binti ko at may bali ang mga tadyang ko. Tapos tatanungin mo kung ayos lang ako? You're nuts! Of course, I'm not okay. But as long as my heart is in good shape, I don't care even if my body will be torn into pieces. Now, bring me to the hospital where Athrun is. Hurry up!" apura nitong nauna sa kanyang sasakyan.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon