Chapter 32

3K 158 7
                                    

KINAGABIHAN, pagkatapos ng hapunan at saglit na kwentuhan ay nagpaalam na si Athrun na magpapahinga ng maaga. Sinundan ni Safhire ang binata sa silid nito.

"Gusto mo ng masahe?"

"Libre?" biro nitong binuksan ang pinto ng guest room.

"Babayaran mo ako roon sa kikitain mo sa shop."

He chuckled. "Okay, let's try your prowess. Come in." Itinabi nito ang sarili.

Pumasok siyang nakangiti. Dinig niya ang pagsara ng pinto sa likod niya. Naghubad ng t-shirt si Athrun at ibinuwal ang mabigat na katawan sa kama. Naligo na ito kanina bago ang hapunan. Hindi nito kinaya ang pangangati dahil sa grasa. Nag-umpisa siyang masahiin ang likod nito.

"That feels great," ungol ng binata at bumalikwas. Kinabig siya pataob sa ibabaw nito. "But I want something sweet."

"Abuso ka na. Masahe lang ang ibibigay ko sa iyo," ungot niyang napapabuntong-hininga. Ang puso niya, sasabog na sa kaba. "Let me go."

Pero hindi ito nakinig at sa halip ay gumulong. Napunta siya sa ilalim. He was about to kiss her when the door suddenly opened and Jrex called out from outside. Tinanong nito kung nakita siya ng chairman.

"She's here with me," sagot ni Athrun. "Why?"

"Pasensya sa istorbo. Nayumi is looking for her."

"Tell her, I'm coming." Nagsalita siya at bumangon. Thank God, she's been saved.

"Bumalik ka," anang binata.

Tumango siya at lumabas ng guest room. Pinuntahan niya si Nayumi sa study room. Gumagawa ito ng visual aid para sa klase nito.

"Saan ka galing?" agad nitong usisa.

"Doon lang sa guest room," sagot niya. Sinilip ang ginagawa ng kaibigan.

Tinitigan siya nito. "Maraming nai-kwento sa akin si Tatay. May namamagitan ba sa inyo ni Athrun?" prangka nitong tanong.

"W-wala..."

"Hindi mo maloloko ang mga tao sa paligid mo, Saf."

"Pero totoo iyon." Giit niya.

"You're kissing him in front of everyone. Ano iyon?"

"That was just-"

"Kamamatay lamang ni Ray at pinalitan mo na siya agad and of all the people, kapatid pa niya? Was your love for him so shallow?" malupit nitong kastigo sa kanya. Wala siyang maisalag sa paratang nito. Masakit man isipin pero may katwiran ito. Isa lang ang hindi niya matatanggap sa sinabi nito. Na mababaw ang pagmamahal niya kay Ray.

"You don't understand. I have to be with Athrun. Kailangan ko siyang alagaan."

"For what reason?"

"Nayumi-"

"You're in love with him, that's the easiest explanation of it."

Nawalan siya ng imik. Hindi niya ito masisisi kung iisipin nitong may namamagitan sa kanilang dalawa ni Athrun. Kahit wala silang sinasabi makikita sa kilos nila ang hindi maiiwasang pagtatangi sa isa't isa.

"Huwag kang mag-alala, kaya kitang intindihin. Hindi madali ang pinagdaanan mo. Kung ako ang nasa lugar mo baka nagpatiwakal na ako. Ang sa akin lang, masyado naman yatang mabilis na kinalimutan mo si Ray. Ako ang nasasaktan para sa kanya. Iniisip ko, talaga bang minahal mo siya?"

Another blow that rendered her speechless.

"There's no point asking her about that now." Mula sa may pintuan ng study room ay nagsalita si Athrun.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon