Chapter 27

3.5K 182 3
                                    

"WHAT'S GOING ON DOWN THERE?" tanong ni Athrun sa piloto. Mababa lamang ang lipad nila para matanaw nila ng mas malinaw ang paligid mula sa himpapawid at napansin ng binata na may nangyayaring kasiyahan sa sentro ng isa sa mga nayong sakop ng San Antonio Municipal.

"Narinig ko po na may kapistahan bukas. Baka nagkakaroon po sila ng palaro sa plaza," sagot ng piloto na parehas nilang narinig sa suot na headphones.

"Bumaba tayo."

Si Safhire ay curious rin na nakatingin sa ibaba at excited na makita kung anong nangyayari.

Naghanap ang piloto ng lugar na pwedeng lumapag ang helicopter. Nagpaikot-ikot muna sila at sa malawak na open ground sa harap ng civic center, bumaba ang helicopter. Maraming tao, bata at matanda sa plaza at sa iba't ibang mga palaruan sa perya ang nagtakbuhan papunta sa kinaroroonan nila.

"Here," inabot ni Athrun sa kanya ang kamay nito para tulungan siyang bumaba.

"Thank you," kumapit siya sa binata at ngumiti ng tipid.

"Chairman," lumapit sa kanila ang piloto na bumaba rin ng helicopter.  "Ayos lang po  ba kayo? Masyadong crowded ang lugar na ito. Baka makasasama sa kalusugan ninyo."

Walang bodyguard si Athrun, kung pagkakaguluhan ito ng mga tao baka hindi nito kakayanin ang stress.

"I'll be fine," sagot ng binata. Bumaling sa maraming mga tao sa paligid at kumaway. "Hello, everyone!"

Iyon ang hudyat na hinihintay ng lahat. Hindi nakakilos ang dalaga nang dumugin sila ng mga tao. Kahit ang piloto na mabilis na humarang ay walang nagawa para pigilan ang mga ito. Mabuti na lang at may dumating na mga police kasama ang mga opisyal ng nayon. Mistulang damo sa kasukalan na nahawi ang mga tao nang lumikha ng barikada ang mga police. Noon naintindihan ni Safhire kung bakit doon sa market sa Sta. Rosa at sa park ay hindi pinansin ni Athrun ang mga taong umaali-aligid sa kanila. Kapag ginawa nito iyon, malamang dinumog rin sila. Ang pagbati ng binata ay isang indikasyon ng pagkawasak ng matibay na pader sa pagitan nito at sa mga nasasakupan at iyon din ang hudyat ng kalayaan para sa mga tao na lapitan ito.

"Pasensya na kayo sa gulo, chairman." Lumapit ang kapitan at mga konsehal. Lahat ay kinamayan ni Athrun.

"Don't mind me and continue your celebration," anang binata.  "I was just passing over when I saw you having fun down here. I thought I'll stop by to check out what was happening."

"Kung ganoon, hindi nakarating sa inyo ang ipinadala naming imbitasyon sa inyong secretary general?"

"Try bearing with my staff. I haven't talked to any of them yet. They're occupied doing everything on my behalf. Siguro iniisip pa rin nila na nasa hospital pa ako hanggang ngayon. Hindi lahat ng mga subordinates ko ay alam na nakalabas na ako." 

Tumango ang kapitan. "Naiintindihan namin, chairman," anito at sinulyapan si Safhire.

"Hello, " bati ng dalaga at ngumiti ng matamis.

"By the way, allow me to introduce this lovely young lady here. She is Safhire Magdalene." Ipinakilala siya ni Athrun.

"Maganda ang girlfriend ng chairman," wika ng kapitan na sinang-ayunan ng ibang mga opisyal sa pamamagitan ng tango. "Kumusta kayo, ma'am?"

"I-I'm doing fine, thank you." Napaantada siya.

Ano raw iyon? Girlfriend ng chairman? Siya ba? Iyon ang iniisip ng lahat tungkol sa kanya? Tumingin siya sa binata na bahagyang nakangiti. Like he's enjoying the idea. O baka nag-iilusyon lamang siya.

Tumingin din sa kanya si Athrun. Inilapit nito ang bibig sa kanyang tainga at bumulong. "I wouldn't mind if they mistook you to be my girl. Saves me from driving away those persistent women who badly needed my attention," anas nito at mula sa pagkakahawak sa kanyang kamay ay inakbayan siya. Hinapit upang magkalapit ng husto ang mga katawan nila. He's declaring his claim to everyone that... 'yes, this girl is mine'.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon