Chapter 28

3.1K 178 4
                                    

NASA Makati ang apartment ni Safhire. Mas malapit sana mula sa airport. Pero naisip ng dalaga na baka may ibang nakatira na sa unit niya kaya niyaya na lamang niya si Athrun na doon na sila tumuloy sa condo unit ni Ray. May kalayuan ang biyahe lalo't mahigpit ang traffic. Halos nakatulugan na ng binata ang pagkainip nang dumating sila sa pupuntahan.

Huminto ang sasakyan nila nang humarang ang guard. Binuksan ni Safhire ang bintana sa tapat niya at binati ang guwardiya. Agad siya nitong nakilala. Sumenyas ito na tumuloy sila. Umusad ang sasakyan papasok ng basement ng condominium.

Mula sa underground parking ay sumakay sila ni Athrun sa elevator paakyat ng 35th floor. Hindi na niya halos napansin na hawak na naman ng lalaki ang kamay niya. Komportable na rin siya sa init na nagmumula sa palad nito na para bang matagal na niyang nakasanayan iyon. Saglit silang nagkakatitigan habang palabas ng elevator.

Nilandas nila ang pasilyo. Siya na ang nagpatiuna at hinahatak si Athrun. Nang tingnan niya ang binata ay bahagya itong nakangiti. Malambing na inirapan niya lang ito. Sinapit nila ang dulo ng palapag. At huminto sa tapat ng pintong may nakaukit na pangalang Safhire sa brass. Ginawa iyon ni Ray para sa kanya noong 21st birthday niya.

"Is this his doing?" Hinaplos ni Athrun ang bawat letrang nakaukit roon. "He's good in crafting ever since we're kids."

"He was trying to win me by that. I was watching when he crafted it and after plotting it out here in the door, he knelt down and asked me to marry him." Kahit may kalungkutan sa sulok ng kanyang puso ay napangiti siya sa alaalang iyon. Parang laro lamang lahat ng ginagawa ni Ray noon tuwing sinusuyo siya nito. Pero sobrang napapasaya siya ng lalaki gaano man iyon ka-simple.

Binawi ni Athrun ang kamay. "I get it. If I'll force myself on you right now, you'll only end up comparing me to him and that would make me the loser even before the fight begins. I'm Athrun Andromida and I want you to see me as I am not as anyone's shadow."

Napangiti siya sa naging pahayag nito. Binuksan niya ang pinto. Pumasok siya. Nagliwanag ang buong unit matapos niyang buksan ang ilaw. Pumasok si Athrun at namasyal ang paningin sa paligid. It was a typical bachelor's unit. The expensive furnishing is simple yet domineering. Colors gray and white is pre- dominant from the thick wall to wall carpet and top grommet curtains. May nag-iisang over-stuffed sofa bed sa living room at rectangular glass centerpiece na may nakapatong na picture frame laman ang larawan ni Safhire. Isang fifty- inches flat screen television at DVD component. Electric guitar na nakalagay sa stand at bookcase na siksikan ang mga aklat ng law, medicine, architecture, fine arts at accounting.

Lumapit siya sa bar na naghihiwalay sa living room at sa pinag-isang dining at clean kitchen. Dinampot niya ang champagne na hindi pa nababawasan ang laman.

"Dapat siguro ay magpahinga ka na. Alam kong pagod ka." Nagsalita si Safhire.

Sinulyapan niya ang dalaga na nakatayo malapit sa floor to ceiling window. In his quick assessment, the unit has three bedrooms. "Where is his room?"

"Follow me." Kumilos si Safhire. Sumunod siya sa dalaga. Tinungo nito ang kwarto sa gawing kanan at binuksan ang pinto. "This is his room. The other one in the right is for the guest."

Pumasok siya. Malaki ang silid. May L-shaped sofa sa isang sulok, king-sized bed, walk-in cabinet, bed-side table, at painting na nakalagay sa isang stand malapit sa may bintana. Ang nasa painting ay si Safhire. Hugging the bed and naked under the thin linen covers.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon