Chapter 46

2.9K 160 9
                                    

"I THINK WE SHOULD GO BACK, JENN," pahayag ni Rheeva habang nagmamaneho. Patungo sila ni Jenni May sa Chrysanthemum mansion para alamin kung nandoon si Safhire. Kagagaling lamang nila ng Villamanor. Wala nang tao roon. "I've heard she's in the hospital. Baka hindi pa siya nakalalabas."

Hindi kumibo ang dalaga. Ibinaling nito ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan.

"Alright, granting that she's there, what will you do then?" tanong ni Rheeva.

"I'll punish her for making Vhens fall in-love with her," matigas na sagot ng singer.

"Come on now, it's not her fault and you know that."

"Still, I'll make her pay for trying to mess with me."

Napailing ang lalaki. "You know, I can't certainly allow you to harm that girl. For your own sake, I won't let you. Ayusin mo ang problema sa mapayapang paraan. Kausapin mo siya. Pero huwag na huwag mo siyang sasaktan, kung ayaw mong matikman ang galit ng chairman."

"Tinatakot mo ako?" Hindi makapaniwalang pahayag ni Jenni May. "How dare you!"

Tumahimik na lamang si Rheeva. Kung sasagot pa siya, baka lalo lamang sumpungin ang dalaga at magwala. She is a treasured princess of the Amores clan. Ang galitin ito at pasamain ang loob ay isang mortal na kasalanan laban sa pamilya nito.

Huminga ng malalim ang binata. Nangangamba siya sa posibleng mangyari kapag nagkikita sina Jenni May at Safhire. Sana lang wala roon ang babaeng iyon.

BINUKSAN ni Leih ang shower at itinapat ang sarili sa malakas na buhos ng tubig. Tumingala ang lalaki. Dinama ang lamig ng tubig na bumabagsak sa kanyang mukha. His chest is burning with pain. A strange kind of pain that won't subside even with the best medicine and will not be disappeared easily unless time cooperates.

Was loving someone really this painful? Oh, yeah... maybe even more than painful. He can tell by experience. When he lost his very first love, his heart shattered into tiny pieces. Shannon's untimely death left a deep cut in his soul and now another wound is bound to open after he barely recovered from the past.

His mind is wandering. Did he make the right decision? Letting her go when an opportunity is already at his grasp.

Become my lover and take me away, would you?

Parang sirang plaka ang sinabing iyon ni Safhire na umaalingawngaw sa kanyang utak. Bahagyang ngumiti ang binata. Isang mapait na ngiti. Nang marinig niya iyon kanina parang gusto niyang kalimutan na isa siyang Nephilim at may sinumpaang pangako kay Athrun. Siguro kung ibang lalaki ang minahal ni Safhire. Hindi siya magdadalawang-isip. Kahit kamatayan ay haharapin niya. But Athrun Andromida? How can he possibly betray him? The most important person in his life that he cherish more than anything precious. His one and only chairman.

How can I?

KUSANG bumaba ng sasakyan si Jenni May at hindi hinintay na pagbuksan siya ng pinto ni Rheeva. Iginala ng dalaga ang paningin sa buong paligid at napatiim nang matanaw si Safhire na naglalakad sa pathway patungong greenhouse. Nilinga niya ang bodyguard. Mukhang hindi nito napansin si Safhire. Nasa cellphone ang atensiyon nito. Marahil ay may natanggap na text message.

"Mauna ka na sa loob. Gusto ko munang mapag-isa at maglakad-lakad ," aniya sa lalaki.

Sinipat siya nito ng nagdududang tingin saka sinuyod ng tanaw ang kapaligiran. Minsan nakakainis ang talas ng pakiramdan ng lalaking ito. Mas masahol pa sa aso. Mabuti na lamang at nakapasok na ng greenhouse si Safhire. Hindi nito nakita ang babae.

"I'll wait for you here. Huwag kang masyadong lalayo." Instruct nito sa kanya. Sumandal sa sasakyan at muling binalingan ang cellphone.

Nagmamadaling tinungo niya ang greenhouse. Papalapit pa lamang siya ay nakita niyang lumabas si Safhire. Nilandas nito ang malawak na vertical clearance papuntang high-rise cottage. Nilingon niya si Rheeva. May kausap sa cellphone ang lalaki. Pagkuwa'y humakbang ito patungong porch. Mukhang papasok ito ng mansion.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon