Chapter 33

3K 155 3
                                    

SAGLIT na nawala sa sarili si Bianca Castillo matapos marinig ang deklarasyon ni Athrun. Sino nga naman ang hindi magulantang? Chairman ng isang malaking business empire ng bansa ay nag-volunteer na maging endorser ng ordinaryo at hindi pa gaanong nakikilalang clothing line? Wala sigurong salitang pwedeng maglarawan sa nararamdaman ng may-ari kaya kahit nang nagpaalam na sila ay nanatili itong tameme at hindi makapagsalita. Maluwang na ngiti at tango lamang ang tanging naitugon nito bagamat hinatid sila hanggang sa labas ng shop at kung ilang ulit na kinamayan si Athrun.

"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" tanong niya sa binata. Pabalik na sila ng condo sakay ng taxi.

"Ang alin?" Tumingin sa kanya si Athrun.

"Endorsement?"

"Iniisip mo na naman bang hindi ko kaya?"

"Hindi ganoon. Kapag nalaman ng media ang tungkol sa gagawin mo, tingin mo ba hindi nila gagambalain pati na ang Andromida Conglomerate?"

"Don't make it your concern."

" Pero, Athrun..."

"Hindi illegal ang gagawin ko, Saf. Hindi ito ikasisira ng sinuman sa aking business empire. Perhaps, it would shake the council's pride but who cares? I don't give a damn about their rotten pride."

Hindi na siya umapila. Kahit na anong gawin niya, hindi na niya mababago pa ang isip ni Athrun. Dapat alam na niya iyon. It's one of his trademarks. Wala pa namang schedule na ibinigay si Bianca Castillo kung kailan sisimulan ang pictorials para sa susunod na issue ng brochure. Tatawag na lamang daw ito sa kanila.

Dumaan sila ng department store at nag-grocery. Kahit na anong pilit niya na huwag ng sumama ang tatlong lalaki ay hindi naman nakikinig ang mga ito. Napapagod na siyang umangal kaya't pinabayaan na niya. Bumili siya ng lulutuin para sa hapunan at mga personal na gamit. Pagdating sa condo unit ay pinagpahinga niya ang tatlo at agad niyang inaasikaso ang hapunan nila. Napapagod din siya sa biyahe, gusto niyang matulog ng maaga.

Kasalukuyang nagbabalat siya ng patatas at carrots nang pumasok sa kusina si Athrun. Kalalabas lamang nito ng shower at walang suot na shirt bagamat may tuwalyang nakasampay sa balikat at ipinipunas sa basang buhok. Nag-urong ito ng silya, binaliktad iyon at naupo ng nakaharap sa sandalan.

"Do you need any help?" anong nito.

"No, I can manage." Nginitian niya ito.

Banayad itong tumango at pinapanood na lamang siya.

"Wala ka bang makitang shirt ni Ray sa closet?"

"I found one. Mamaya ko na isusuot."

Siya naman ang tumango. Habang tinititigan niya ang asul nitong mga mata, lalo 'yung tumitingkad dahil sa complexion ng binata. Deep and blue eyes, ang gandang kombinasyon.

"Aren't you tired?" tanong nito.

"Of course I am." Mabilis niyang binawi ang paningin.

"Then we could have ordered dinner. You don't have to cook."

"Ayaw mo bang matikman ang luto ko?"

"Nope." Umiling ito. "Siguradong lalo lang akong mai-in love sa iyo." He gave her a disarming smile.

Binato niya ito ng balat ng patatas. Pero nakailag. "Si Ray, kahit gaano ako kapagod, gusto niya pa rin magluto ako. Sa aking mga luto lang daw siya nabubusog." Pagyayabang niya.

"Well, I'm not Ray. I don't like you to be exhausted. Kung mapapagod ka man, gusto ko sa ibang bagay." Kumikindat-kindat ito. It was apparent in his eyes that he was just fooling around again.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon