Chapter 51

3.4K 160 4
                                    

INABOT ni Safhire ang bathrobe at isinuot. Sadyang hinigpitan ang pagkakabuhol. Paglabas ng banyo ay tumuloy ang dalaga sa harap ng tokador. Bahagya niyang nilinga ang kanyang kama. Naroon si Athrun at nakahiga. Mukhang nakatulog na nga yata sa kahihintay sa kanya.

Naroon na sa kanyang silid ang binata pagpasok niya kanina pagkatapos nilang mag-usap ni Vhendice. Doon daw ito matutulog. Hindi naman niya matanggihan. Walang dahilan para gawin niya iyon. Magiging over-acting siya kung ngayon niya ito pangingilagan. Minsan na silang natulog ng magkatabi. No, hindi lang minsan kundi iilang beses na at wala namang nangyari na dapat niyang ipag-alala. Although he was always teasing her but he treated her with respect and dignity. That's why, she trusts him with all her heart.

Dinampot niya ang blow dry at pinatutuyo ang basang buhok. Napatitig siya sa sarili sa salamin. Twelve years din siyang nawala sa paningin ni Athrun. Sa loob ng labing-dalawang taong iyon ay malaki ang ipinagbago niya. Physically, that is. Pero ang buhok niya, ganoon pa rin naman. Mahaba at nag-riot pa rin ang kulot sa dulo. Pinabibilog niya ang ilong at napangiti. Ang habit na iyon ay hindi nawawala sa kanya kahit nakalimot siya. Madalas niya pa ring gawin iyon kahit na siya si Safhire tuwing nilalambing niya si Ray o kaya'y gusto niyang magpa-cute noon sa lalaki. Sa tuwina, ang parating iginaganti nito sa kanya ay isang matamis at mapusok na halik sa labi.

Kinapa ng dalaga ang diamond ring na nakabitin sa kanyang kwintas. Inalis ni Ray sa kanya ang tunay niyang pagkatao at pinalitan, pagkatapos ay pinaibig siya. Nagawa nitong talikuran ang pamilya at saktan si Athrun. He deceived every single person who trusted him. Pero hindi pa rin niya kayang magalit sa namayapang fiancé sa kabila ng ginawa nito. Sa piling nito ay wala siyang pangit na karanasan. Lahat magaganda at masaya. Lahat ay gusto niyang ingatan sa kanyang puso.

Ibinaba niya ang blow dry at hinugot ang plug mula sa outlet. Kumuha siya ng pantulog sa closet at nagbihis. Sinadya niyang mag-ingay sa kanyang pagbibihis. Pero napahimbing na nga yata ang tulog ni Athrun. Walang epekto rito ang ginawa niya.

Binuksan niya ang dalawang lamp shade at pinatay ang ilaw at chandelier. Sumampa siya sa kama at nahiga pagkatapos umusal ng maikling dasal. Buong pagmamahal na pinagmamasdan niya ang guwapong mukha ng binata. Alam niyang pagod na pagod ito kahit hindi mababakas sa anyo nito. Hahaplusin na lang niya ang mukha nito nang bigla itong nagmulat ng mga mata.

Mabilis niyang nabawi ang kamay. "Gising ka? Akala ko tulog ka na."

Ngumiti ito. "Kaya ba ang ingay-ingay mo habang nagbibihis?"

"You've tricked me." Pinahaba niya ang nguso.

"I'm not. Nakatulog na ako. Ginising ako ng ingay mo. Kulang na lang maglululundag ka rito sa bed. Marami ka bang kinain na chocolates? Kanina ka pa roon sa ibaba. Napaka-hyper-active mo at takaw-pansin."

Nanlaki sa inis ang mga mata niya. "Hyper-active? Takaw-pansin? Anong akala mo sa akin, ADHD?" Nakadampot siya ng unan at hinampas dito ng walang tigil.

Tawa ito ng tawa at hindi umiiwas pero nang mapagod sa kakasangga sa mga hampas niya ay tinangka nitong agawin ang unan. Ayaw niyang ibigay. Nakipaghilahan siya. Pero tinalo siya nito sa lakas. Nang hapitin nito ang unan ay napasama siya at bumagsak sa ibabaw nito.

"Got you," mabilis siya nitong naikulong sa malalakas na mga bisig.

Sinubukan niyang manulak para makawala pero napapahiya lang siya. "Ano na namang binabalak mo?" May nakakubling akusasyon sa paraan ng pagkakatitig niya rito.

"Excited ka yata."

"Kakagatin kita." Pagbabanta niya.

"Okay lang basta sa lips. Simulan mo na." He licked his lips sensually.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon