Chapter 36

2.9K 143 11
                                    

MANILA

INAABALA ni Safhire ang sarili sa pag-aasikaso ng kanyang mga credentials matapos dumating via package ang kanyang mga gamit na naiwan sa Chrysanthemum mansion. Inisip niyang mag-apply sa pinakamalapit na hospital. Narinig niyang nangangailangan raw ng karagdagang nurses dahil marami ang nag-resign para magtrabaho sa ibang bansa. Kapag nakapasok siya roon, magiging busy na siya at baka makakalimutan na niya kahit papaano si Athrun. Mag-uumpisa siya sa kanyang buhay na hindi kasali ang sinuman sa magkapatid na Andromida. Ituturing niyang isang magandang panaginip lamang na nakilala niya ang mga ito sa magkakaibang panahon.

Nahinto sa pagsasalansan ng mga dokumento ang dalaga nang tumunog ang door chime ng condo unit. May inaasahan ba siyang bisita? Baka si Nayumi. Tumawag ito noong isang gabi at sinabing pupuntahan siya. Baka ito nga. Sabado ngayon at walang klase.

Nagmamadaling tinungo niya ang pinto at binuksan. Ngunit gayun na lamang ang pagkagulat nang masumpungan sa labas si Vhendice. Nakatulala siya sa lalaki na tila nakakita ng multong buhay. Anong ginagawa nito rito?

He smiled at her. "Can I come in?"

Nahimasmasan siya at agad na itinabi ang sarili. "Pasok ka."

"Thank you." Tumuloy ito. Nahagip ng paningin niya ang roses bouquet na bitbit nito.

Wala sa sariling isinara niya ang pinto at sumunod dito sa sala. "Gusto mo ng softdrinks?" tanong niya. Akala niya matatahimik na siya matapos magwakas ang maikli ngunit matamis na panaginip na kanyang naranasan sa piling ni Athrun.

"No, I just had my lunch. This is for you, anyway." Ibinigay nito sa kanya ang bulaklak.

"Salamat. Upo ka. Ilalagay ko lang sa vase ito." Paalam niya at nagtungo sa kitchen.

Nakita niya sa cabinet sa ibaba ng zink ang hinahanap na flower vase. Nilagyan niya iyon ng tubig at isa-isang nilagay ang mga rosas na kulay puti. Nasulyapan niya si Vhendice na sumunod sa kanya. Lumapit ito. Hindi siya nakakilos nang yakapin nito mula sa likod.

"I've missed you," paanas nitong sabi. Hinagkan siya sa gilid ng tainga.

"Pasensya ka na kung hindi ako nakapagpaalam sa iyo." Banayad siyang kumawala sa pagkakayakap nito sa paraang hindi ito napapahiya.

"It's alright. Nakita ko naman ang pag-alis ninyo nang araw na iyon."

"The chairman, he treated me with gentleness and dignity when we're together," sabi niyang nakangiti ng pino para ikubli ang kalungkutang bumabalot sa kanyang puso.

"He is a reliable guy. I know he'll protect you. Are you still mad at me?" tanong nitong banayad na pinisil ang kanyang palad.

"Anong karapatan kong magalit sa iyo kung lahat ng iyon ay ginawa mo para sa kapakanan ko? I know I can't stop you from keeping your promise to Ray. But I don't want you to lie just to protect me like a sheltered princess."

"I understand. I promise I would never ever lie to you again." Pangako ni Vhendice.

"Thank you." Ngumiti siya ng matamis. Binitbit niya ang flower vase at bumalik sila ng sala. Nilapag niya sa center table ang vase. "Are you here for business?" tanong niya.

"No. I'm here because I'm worried. I need to know if you're okay."

"Salamat sa pag-aalala. Pero okay lang ako. I'll submit my application on Monday at the hospital nearby." Naupo siya sa sofa.

Tumango ang lalaki. "I usually have my mission outside the country. Or if not, I'm just staying at Edena helping out the chairman. Mabibisita kita anytime kung nandito ako sa bansa." Naupo ito sa kabilang dulo ng sofa.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon