Chapter 48

3.1K 144 3
                                    

PAGOD na si Shannon. Kanina pa siya paikot-ikot pero hindi pa rin niya mahanap si Athrun. Sobrang laki ng mansion. Ang daming silid. Nagkandaligaw-ligaw siya at sa halip na ang batang lalaki, si Ray ang natagpuan niya sa huling silid na narating. Ang music room. Ray was there playing the drums. Pumasok siya sa pinto. Nakita siya ng binatilyo at agad itong ngumiti. Itinigil nito ang pagtugtog.

"Is there something I can do for the princess?" Umalis ito sa kinauupuan. Nilapitan siya.

"Where's Athrun? He promised to play with me. But I can't find him anywhere."

"That's bad. He should keep his promise. Come on, let's go find him together." He reached out a hand to her.

Kumapit siya sa kamay nito. Lumabas sila ng music room at magkasamang hinanap si Athrun. Natagpuan nila ang batang lalaki sa kwarto ni Ray. Naglalaro ito ng dart.

"So, you were here," anang binatilyo.

"I'm waiting for you," sagot ni Athrun.

"Kanina ka pa hinahanap ni Shannon. You promised to play with her."

May disgustong sinulyapan ng batang lalaki si Shannon na nakangiti.

"You said, you would play with me," anang batang babae.

Binawi ni Athrun ang paningin. Ibinaling sa dart na nasa wall. "Would you tell her to stop staring at me? It's annoying!" sabi nito kay Ray.

"Don't be like that. Gusto ka lang niya."

"The feeling is not mutual, you know. I don't like her."

"Athrun..."

Kahit sa murang edad ay naiintindihan ni Shannon ang gustong iparating ng batang lalaki. Ayaw nito sa kanya. Hindi siya nito gusto. Hindi na bago sa kanya ang inaayawan. Sanay na siya dahil doon sa kanila ay maraming ayaw sa kanya. Pero ngayon lang siya nasaktan ng ganito. Parang kinukurot ang puso niya at mabigat ang kanyang dibdib. Tahimik na napaiyak ang batang babae.

"Look, Athrun. You've made the princess cry." Pangongonsensya ni Ray sa bunsong kapatid.

Pero sa halip na pansinin siya ay tumayo si Athrun at tinunton ang pinto. Lumabas.

"Hey, don't cry." Niyakap siya ni Ray. "Tahan na. Athrun didn't mean that. I'm sure he likes you. Naiinis lang siya dahil hindi siya pwedeng makipaglaro. Bawal sa kanya ang mapagod. May sakit kasi siya." Paliwanag ng binatilyo.

"He is sick?" Tumahan siya sa pag-iyak.

"Yes, he is."

"That's why he looks gloomy and he didn't smile because he can't play?"

"Maybe."

"Do you think I should apologize to him?"

"No. You've done nothing wrong. But I'd appreciate it if you can keep him company and perhaps make him smile. Can you do that?"

"I'll try my best," masiglang sabi niya at ngumiti.

"Good girl." Banayad na hinaplos ni Ray ang mahabang buhok niya na nag-riot ang kulot sa dulo. "I've heard you're good in tennis. Gusto mong maglaro tayo?"

Natutuwang tango niya. Tennis ang sports niya. Noong huling tournament sa school nila ay nag-champion siya sa singles.

Naglaro sila ng binatilyo. Pero hindi sila nakadalawang set dahil may dumating na mga magaganda at seksing babae at tinangay ng mga ito si Ray.

BUMALIK sa loob ng mansion si Shannon. Naiinip siya. Umalis ang mommy niya kasama ang kanyang Papa Zedrick. Umakyat sa carpeted na hagdanan ang batang babae at saglit na nahinto nang matanaw si Athrun na pababa. May dala itong fluorescent papers.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon