Chapter 10

4.2K 192 6
                                    

BUMABA si Safhire sa tapat ng kalyeng papasok sa villa. "Salamat sa paghahatid. Ingat kayo," sabi niya kina Athrun at Ghaile.

"I'm having a lot of fun today, Saf. Thank you for keeping me company. I'll see you around, definitely,"  pahayag ni Athrun.

Tumango lang siya at tumingin kay Ghaile na nakayukyok sa manibela at nakatingin sa kanya. Nginitian niya ang doctor.

"Bye,doc."

Tumango ito. "Until next time, Safhire," he said and flashed a dashing smile.

Umusad ang sasakyan. Hinatid niya ng tanaw iyon habang papalayo. Nakatutuwang isipin na naririnig pala ni Athrun ang mga kwento niya sa kabila ng kondisyon nito. Pati ang mga records sa kanyang cellphone at ang pag-awit niya. Mabuti naman at hindi nasayang ang pag-aalagang ginawa niya sa lalaki kahit sa napakaikling panahon lamang.

Sinapit niya ang villa. Nagpahinga lamang siya sandali sa kanyang silid at bumaba din agad para maghanda ng hapunan. Vegetable soup,sweet and sour fish and fried shrimp.

Naisip niyang hintayin na rin si Vhendice para sabay na silang kumain. Pagkatapos niyang magluto ay nanonood siya ng tv sa sala. Pasado alas-otso na nang dumating si Vhendice. At hindi ito nag-iisa nang pagbuksan niya ng pinto. May kasama itong lalaki na mahigit-kumulang ay nasa kwarenta ang edad. Matangkad at malaki ang katawan. Maitim, makapal ang labi at may nunal sa kaliwang pisngi.

"Good evening," bati niyang nakangiti.

"Hey, I'm back." Hinapit siya ni Vhendice at hinagkan sa pisngi. Nagulat siya. Hindi niya napaghandaan ang ginawang iyon ng lalaki. "This is Eddie, he's also an PBI agent. Partner ko siya dati." Ipinakilala nito ang kasama.

"Hellow, Eddie!"

"Meet my wife, Ed. Mrs. Safhire Queruben." Binalingan ni Vhendice ang kasama.

Tumango ito. Naglahad ng kamay. "Please to meet you, Mrs. Queruben."

"Same here." Inabot niya ang palad sa bisita. Hindi siya umangal nang akbayan ng binata at nagpatiuna sila patungong sala. Bumuntot sa kanila si Eddie bitbit ang kaisa-isang traveling bag na hindi naman kalakihan.

"Ihahanda ko na ba ang dinner?" tanong niya.

"Tamang-tama, gutom na kami."

"Sige," iniwan niya ang dalawang lalaki at nagtungo ng kitchen. Mabilis niyang naihanda ang hapag-kainan. Agad niyang tinawag sina Vhendice at Eddie. Ganadong kumain ang dalawang lalaki. Nawili siya sa panonood sa mga ito na hindi tinitigilan lahat ng niluto niya hanggang sa nasimot.

HABANG naghuhugas ng mga pinggan sa lababo, narinig ni Safhire na pinapauna ni Vhendice sa sala ang panauhin nila. Nagpaiwan sa kusina ang binata at tumulong sa kanya sa pagliligpit. Pinunasan nito ang dining table at dinala sa kanya ang babasaging food bowl na nilagyan niya sa vegetable soup.

"Dito ba siya titira?" tanong niya.

"For the meantime. Hangga't hindi pa siya nakakahanap ng bahay na tutuluyan."

"Galing ba siyang Maynila?"

Tumango ang lalaki.

"Anong kailangan niya rito?"

"May iimbistigahang ibang kaso. Maaring related doon sa sinabi ko sa iyo minsan na illegal transactions. But I'm not so sure of it yet. I haven't talk to him about it."

"Saan kayo nagkita?"

"Doon sa bus stop ng Victoria's Garden. Isinama ko na siya. Sabi niya sa Edena ang kanyang distinasyon. Pero wala siyang bahay na matutuluyan doon."

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon